Dec 23, 2008 02:58
Bakasyon na naman, at malaking hamon sa ilan kung paano uubusin ang oras. May anim na choices tayo para sa, dyendyenen, Metro Manila Film Fest, pero napangiwi na lang ako sa ibang entries. In any case, alam kong isasalba ako ng mga DVD sa Quiapo and elsewhere. At ikaw rin. Kung magdi-DVD-spotting ka rin lang naman, it won’t hurt kung maglalaan ka ng budget para sa Pinoy films, particularly, Pinoy love stories. Maraming magagandang kwentong pag-ibig na nagawa sa tanang buhay ng pelikulang Pilipino, at hindi lahat ng Pinoy love stories ay nasa hulma ng overworked love triangles na gasgas na sa panahon oa lang nina Eddie Rodriguez, Marlene Dauden at Ms Lolita Rodriguez; at mga kooky romantic comedies ni Regine Velasquez. Ito ang ilan sa pinakamagaganda:
Bilangin ang Bituin sa Langit (1989)
Ito ang tribute sa melodramang Pilipino (pangalawa ang teleseryeng “Iisa Pa Lamang.”). Isa itong saga na medyo nakakahilong panoorin dahil para itong teleseryeng tumakbo ng anim na taon at pinagkasaya sa humigit-kumulang tatlong oras. Pero worth the time kung ta-tiyagain, lalo na dahil sa galing na ipinamalas nina Tirso Cruz III at Nora Aunor sa pag-arte (convincing ang dual roles! So much for spoilers). Sabi ng isang film critic, ito ang consummation ng dalwampung taon nilang pagtatambal sa pelikula , at ito ang tambalan nilang hindi na mapapantayan ng mga susunod (kung may susunod pa; again, I couldn’t agree more)
May konting sabit, gaya ng pag-arte ni Ana Margarita Gonzales (ang babaeng habangbuhay ko nang kinamumuhian mula nang malaman kong tinanong niya noon si Janice de Belen ng “So, ilang taon ka na?” sa debut ng huli), pero nasasapawan ng imperfections ang galling ng pag-arte nina Aunor At Cruz. Paborito kong eksena ang pagbabasa si Nora Aunor sa gitna ng sunflower field (I have a feeling na field of magnolias ang nasa original script, pero saan ka ba makakakita ng magnolias sa Pilipinas-I mean, bukod sa ice cream parlors); at nang nasa taniman si Magnolia, sa gitna ng matatangkad na hanay ng palay (at hindi sila mahahalagang bahagi ng pelikula.)
Endo (2007)
Perfect, ika nga ni ate Vi, ang pagkakasalamin ng pelikulang ito sa “generation instant”, ang panahon kung saan lahat ng bagay ay mabilis darating at mabilis mawawala (parang pera ‘to a. hehe) Kwentong pag-ibig ito sa na nakatahi sa kalagayan ng employment sa bansa: sa panahon nga naman ngayon, gaya ng trabaho, ang pag-ibig ay madaling nakukuha, at madaling nawawala sabay sa bawat “end of contract” (o endo, hence the title). May mga cliché na pakilig na sa sobrang cliché ay hindi mo na papatulan, pero nasa kasimplehan ng daloy ng narrative ang ganda ng pelikula. Although unlike Maximo Oliveros, Tinig o Pisay, hindi masyadong indie ang feel ng pelikulang ito dahil masyadong gwapo si Jason Abalos para sa lead role (base na rin sa page-S.I. ko sa tipikal na itsura ng mga salesman at service crew sa mga mall) at may cultural capital na si Abalos (somehow) bilang matinee idol. Pero bawi naman sa paglalangkap ng social relevance, at sa pag-arte na rin. O.K. di ba? Wag ka lang padi-distract sa ilong ni Ina Feleo.
Ikaw Pa Lang ang Minahal (1992)
Isang haciendera na nakahanap ng pag-ibig sa isang lalaking mukhang pera at sa kabila ng pag-iwan sa kanya ng lalaki (kapalit ng, pera? hehe), ay ito pa rin ang hanap ng babae sa bandang huli. So, ano’ng kakaiba sa pelikulang ito? Ang aesthetics, ang chemistry nina Richard Gomez at Maricel Soriano, at ang pag-arte mismo ni Soriano (na ayon sa isang film critic ay, “the two best hours of Maricel Soriano in celluloid.) I couldn’t agree more.
Minsan Pa (2004)
Hindi naghubad si Ara Mina. Hindi ko alam kung dahil sa spoiler na ito ay panonoorin mo pa ang pelikula. Pero dapat mo talaga ‘tong makita kung 1. Hopeless romantic pero at gusto mo ng kadamay, pero ayaw mo ng cliché hopeless romantic stories; at 2. Hopeless (romantic) ka lang talaga, period. Hindi gaya ng ibang kwentong pag-ibig, ang karakter na lalaki at ang kanyang paghahanap ng pag-ibig ang inikutan ng kwento. Si Jerry (Jomari Yllana) ay isang tourist guide sa Cebu na, sa bilis ng pagdating at pagdaan ng mga tao sa kanyang buhay, ay nakahanap ng pag-ibig sa isang turista (Ara Mina). Pero bukod sa kalayuan ng Cebu sa Maynila, maraming kumplikasyon ang kwento kaya mahirap talagang ma-figure out kung magkakatuluyan ba ang dalawa, which how life is for some (like you know, life’s like Friendster; it’s complicated®)
Ploning (2008)
Oo, kwentong pag-ibig ang Ploning. Tungkol ito sa isang kantang Cuyunon (isang dialect sa Palawan) na kung ikukwento ko ay alam mo na ang kalahati ng tatakbuhin ng kwento. Personal favorite ang Ploning, dahil ito ang tanging pelikulang iniyakan ko sa sinehan na hindi ko ikinahiyang iniyakan ko. At hindi ko pa rin alam kung bakit ko ito iniyakan. Baka kasi below zero na ang emotional threshold ko nung mga panahon na yun, o naiyak ako sa inis dahil napaka-existentialist ng dating ng istorya: parang ginawa mong love story ang “Waiting for Godot”; at siguro naiyak na lang talaga ako sa inis dahil gaya ni Ploning, ginagawa kong pastime ang paghihintay. Naku. Ihanda ang tissue at one pint ng ice cream.
Relasyon (1982)
Pinanood ko ang pelikula dahil: 1. Narinig kong isa itong love story na bumasag sa lahat ng conventions sa “other woman” sa panahong iyon, at 2. Ito ang crowning glory ni Vilma Santos.Isang bagay na pinaka-kahanga-hanga sa obra ni Ishmael Bernal, bukod sa brilliant at witty (take note, hindi pa-witty) na mga linya, ay ang pagpapakita, na ang relasyon ay tumatakbo sa isang universal na set-up, regardless kung siya ang legal ito sa mata ng Diyos at ng batas at ng mga tsismosang kapitbahay (na, great thing, ay wala naman sa pelikula). ang ibang babae ay hindi lamang pinupuntahan ng lalaki para “tumikim ng ibang putahe” so to speak.