pampalipas oras

Aug 07, 2006 11:43

BABALA : masama ang mood ko ngaun kaya pagbigyan nyo na ko sa mga trip ko ngaung araw na ito at kung mapuno man ito ng mga reklamo

kakatapos lng ng pagsusulit ko sa accounting (pasensya na, hindi ko alam ang tagalog na salita..) at isa lang ang masasabi ko sabaw wala na akong pag asa sa kurso na ito... parang alam mo na na mamatay ka pero wala kang magawa kundi hintayin nalang ang iyong pagpanaw...

nagtalo na naman ang aking ina at ang aking lola at ngayon, dahil sa kanilang away, hindi ako maaaring gumamit ng internet sa bahay. kaya ngayon, andito ko sa goks at nagpapalipas ng oras... natapos ang klase ko kaninang 910 ant ang susunod ko na klase ay 1250 dahil wala kaming p.e.

kanina pa ko dito... nagkakalikot ng kung anu-ano sa internet...

hindi pa ako nakakapag-pahinga ng matino dahil hindi kami nalibre -- biruin nyo kahit linggo hindi kami pinatawad!!!... pumunta kasi kami sa laguna noong linggo para sa sosyolohiya (tama ba? basta un.. sociology :p )

wala na akong masulat... tinatapos ko na ang entry ko na ito...

p.s.

lam nyo ba na ang ibig sabihin ng salipawpaw ay airplane? (ayos no?)
Previous post Next post
Up