masaya

Dec 13, 2004 02:59

kung minsan, ika'y nasa ibaba.
at sa isang maikling yugto na aking buhay, ako'y naitulak paibaba -
naghihintay na umikot ang gulong nang ako'y makatayo muli.

hindi masayang manatili sa baba. parang taeng nakikiramdam sa lubak ng daan, parang basurang sumasabit sa bawat bulong ng hangin, parang paulit-ulit na bangungot na kailangang tandaan.

nguni't, kahit paano ay iikot ang gulong. at mapa-tae, basura, o bangungot ka mang napisa't nayurukan ng gulong mabigat ay hihilahin ka ng galaw, paunti-unit pataas...

marahil ay mahuhulog ako muli,
at magiging tae,
magiging basura,
magiging bangungot...
tulad ng lahat ng bagay sa mundo na hindi nagtatagal...

nguni't habang heto ako't buhay,
at patuloy na bumabyahe sa may dako pa roon,
ako'y titingala, ako'y tatawa, at tataha sa iyak.

dahil sa wakas... ako'y masaya.
Previous post Next post
Up