Dec 31, 2011 20:48
My 2nd formal post in LJ:
Please give me the luxury of using my native tongue for this one :)
Isang makabuluhang taon ang 2011, maraming pangyayari na bumago ng aking buhay. Lahat kinapulutan ko ng aral.
Marami din akong nais ipagpasalamat, unang una ang naging magandang kalusugan ng aking pamilya at ang maayos na estado sa pagaaral ng aking kapatid. Higit dun nais ko rin magpasalamat para sa aking kasintahan, na nagiging matatag ang aming samahan kahit na madalas ay magkalayo kami sa isat-isa. Nais ko din magpasalamat sa mga kaibigan ko na walng sawang nariyan kung kailangan ko ng kasama sa oras ng aking kalungkutan. Maraming salamat din sa Nakakataas dahil binigyan nya ako ng maayos na buhay..