Napag-isip

Oct 01, 2006 21:35

Nakakatawa yung ilang mga bagay na na-realize ko sa araw na ito.

1. Mahirap mag-timpi na tingnan ang iyong cellphone kahit ayaw mo dahil nasa gitna ka ng misa.
     Kala ko talaga malalabanan ko yung tukso kanina. Nung isa pa lang yung message, sabi ko: "sige tatapusin ko muna 'tong misa bago ko tingnan". Nag-vibrate ulit yung phone ko, medyo naramdaman ko na baka mahalaga yung message na yun at kailangan ko ng mabasa. Homily nung binasa ko yung message. Ayun, hindi naman pala masyadong mahalaga. Sana 'di ko na lang binasa.

2. Kahit anong gawin ko, hindi ko mapapapayag si Casey na panoorin yung concert ni Michael Jackson (ipapanood ko daw muna sa kalahati ng tao sa buong mundo bago niya panoorin).
     Gusto ko talagang ipapanood sa maraming tao yung concert ni Michael Jackson! Ewan ko ba. Ahahahahaha. Pero may feeling ako na hindi siya magugustuhan ng marami kasi una nilang mapapansin yung mukha ni Michael. Argh! Pero natatawa na lang ako sa kanila. Sana makita ko si Michael Jackson.

3. At mahirap talagang pigilan ang emosyon. (Oh hindi ito tungkol sa mga pag-ibig na yan)
    Minsan gusto mo talagang maging rational sa mga nararamdaman mo, pero yun ang pinakamalabong bagay na maaari mong magawa. Iba talaga pag emosyon ang pinag-uusapan. Tulad ng pag-suporta sa mga kaibigan dahil masaya naman sila sa ilang mga bagay. Sige, naiinggit (argh! ayako sa salitang yan) ako kasi masaya kayo at alam kong mali yun. Pero nalulungkot talaga ako eh, sorry dun. So, pabayaan muna natin ang isa't isa.

stuff

Previous post Next post
Up