Title: Bumper
Chapters: 1/?
Author:
paranoiascreamsGenre: humor, Au
Warning: Un-Beta'd, cursing too much
Rating: PG - 13, r-18 for the cursing
Pairings/Characters: Kris x Tao (main), Jongdae x Minseok, Chanyeol x Baekhyun
Synopsis: Naglakad sya palapit sa mga empleyado ng opisina, binabati nya sila isa isa, kulang na lang tumakbo na ko palayo habang papalapit sya sakin, ilang dasal at iba ibang orasyon na ata nabanggit ko para mawala ako sa kinatatayuan ko para hindi nya ko makita, o kaya naman magpalit anyo ako para di nya ko makilala.
Disclaimer: I do not own EXO, story is mine. ALL MINE.
Comments: This is written in my native language, which is Filipino. This is also a revamp of the visual kei
BUMPER story with SCREW as the main characters. If you've read that (which most likely you haven't), the story might end with this version. Though i still am unsure.
'Shit. Ang init. Bakit ngayon pa nasira aircon ng kotseng to? Anu ba?! Anak ng tinapa. Late na ko.'
Napatingin ako sa labas, magkakadikit na naman ang sasakyan, andami. Pero mas marami yung mga tao sa paligid nito - naglalakad, tumatakbo, may namamalimos, mayroong may hawak ng kape. Kung pwede ko lang iwan tong kotseng to sa gitna ng highway, di ako magdadalawang isip at makipagkarera na ko sa mga tumatakbo papasok ng opisina.
PUTANGINA!
Bumaba ako ng sasakyan ko pagtingin ko sa likod, nilamon na ng isa pang kotse ang bumper ng sasakyan ko.
"BOBO KA BA?! TRAPIK NA NGA NAGAWA MO PA KO BANGGAIN!?! SHIT!" Nagdilim na ata paningin ko at hindi ko na inalam kung matanda, bata, babae, lalake, o tao ba yung nasa kabilang sasakyan, basta ang alam ko lang, dumagdag lang sya sa sakit ng ulo na hindi pa ata nakukuntentong sirain ang araw ko.
Bumaba ang isang lalaki, ni hindi sha pinagpapawisan, ang kalma kalma nya pa, mas lalong nakakapikon. Oo na, maaayos na gumagana aircon mo.
"I'm sorry, I was on the phone, and i thought the lane moved. I'm really sorry."
Napatanga ko. Tinignan ko ang lalakeng humarap sakin mula ulo hanggang paa, magkalahi naman kami.
"SORRY LANG?! Tignan mo nga yung bumper ng kotse ko! Tangina, sorry lang?!"
"Ok, I'll pay for the damage, how much is it?"
"Damage-in mo mukha mo! Tangina. Late na ko, shit na araw to."
"Look, I know you're pissed off. Here's my card, meet me later, i'm really sorry and i want to compensate the damages."
Kinuha ko ang card, tinitigan ko ito.
'Huang Zitao?'
Oo. Tatawagan kitang hayup ka! Kapag nawalan ako ng trabaho dahil late ako, wala na kong pambabayad sa pagpapaayos nito.
"Sige sige." Pumasok ako ng kotse kong galit na galit. Nakakainis pa lalo na marinig mo ang bumper ng kotse mong kinakaladkad sa daan matapos banggain ng lalakeng kala mo kung sino kung maka-english sa kin.
-----
"Init ng ulo mo Yifan ah?" Bati ni Jongdae sakin, sabay abot ng isang papel.
"Ano to?"
"Notice. Dadating daw yung anak ng boss natin."
"Eh ano naman?"
"Magbigay pugay at magbigay galang." Singit ni Minseok habang inaayos ang mga papeles na nakatambak na sa lamesa nya.
"Putsa. Corporate slavery!" Umupo na ko sa lamesa ko at binuksan ang computer.
"Lakas ng badtrip mo ah, ano nangyari?" Tanong ni Jongdae, sabay abot ng kape kay Minseok.
"Jongdae, di ka na nasanay. Laging mainit ulo nyan." Sabat ni Chanyeol habang nagsisimula na syang gawin ang trabaho nya.
"Gago. Iba ngayon Chanyeol, putsa. Parang nagising ako na isang malaking kabadtripan lang iaalay sakin. Una, natrapik ako, pangalawa, sira aircon ko. At pangatlo... may bobong inglisero na walang kaabog-abog na binangga ang bumper ng sasakyan ko. At ang hayup na yun, akala mo kung sino kung inglesin ako, pinagsisigawan ko na, ang kalma kalma pa. Mas nakakaloko e, mas nakakagago. " paliwanag ko, habang isa isa kong binabasa ang mga email sakin ng mga kaopisina ko, parepareho lang halos, tungkol sa anak ng boss naming balikbayan.
"Ayan na ata." Tatayo si Minseok, susundan sya ni Jongdae.
Etong dalawang to, halatang halata na relasyon, lagi pang tinatago samin.
"Ayan na nga. Tara." Lalabas si Chanyeol, kasunod yung dalawa. Sumunod na rin ako.
Maliit lang kami sa department namin. Siguro 30 lang kaming empleyado, pero malakas ang kumpanya, mayaman ang mga boss, hindi rin naman problema ang sweldo.
Nakaumpok na halos lahat ng mga kaopisina namin sa lobby, naghihintay ng lalabas sa elevator, kulang na lang ng mga photographer at mga reporter, aakalain mong may sikat na artistang parating. Nakuntento na ko sa halos pinakalikod ng umpukan, nakasandal sa isang pader, gusto ko na matapos agad to, para masimulan ko na trabaho ko.
"PUTA!"
"Ano na naman Yifan?!" Sambit ni Chanyeol sabay siko sa tagiliran ko, masyado atang malakas pagkakamura ko.
Matatanggal na talaga ko sa trabaho ko, pagbalik ko sa lamesa ko, sisimulan ko na talaga magtanggal ng gamit.
"Siya yung bumangga sakin kanina. Tangina. Chanyeol, Jongdae, Minseok... Salamat sa 4 na taong pagsasama sa opisina."
"Hindi nga? Pasensya na Yifan, di ko lam kung pano ka makakalusot dyan." Sabay tapik sa balikat ko ni Minseok, para bang sigurado na rin sila na mapapatalsik ako.
Ipinakilala ang bisita, si Huang Zitao. Huang ang apelido nya. Antanga-tanga ko, di ko man lang naisip na kaapelido nya may-ari ng kumpanyang pinapasukan ko. Mahusay, Wu Yifan, napakahusay mo. Tanga.
Galing siya sa America, dun nag-aral at nagpractice bilang CEO/COO sa isang branch ng kumpanya dun, ngayon naman, inilipat sya dito dahil malapit na raw magretire ang tatay nya, in short, pinagmumura ko at pinagsisigawan ang bagong boss namin.
Naglakad sya palapit sa mga empleyado ng opisina, binabati nya sila isa isa, kulang na lang tumakbo na ko palayo habang papalapit sya sakin, ilang dasal at iba ibang orasyon na ata nabanggit ko para mawala ako sa kinatatayuan ko para hindi nya ko makita, o kaya naman magpalit anyo ako para di nya ko makilala.
Malamig sa kinatatayuan ko pero pinagpapawisan ako. Sa mga segundong palapit sya sakin, nananalangin pa rin ako na sana biglang mabutas ang sahig na tinatayuan ko, at mahulog na ko, wala akong pakialam kahit nasa ika-16 palapag ako, mawala lang ako sa kinatatayuan ko ngayon.
"Hi, please take care of me."
Sa sobrang kaba ko, nawalan na ata ako ng malay habang nakatayo na hindi ko napansin na kaharap ko na sya, nakangiti, ang amo pala ng mukha nya kahit na mukang pusa yung mga mata nya.
Ngiti lang ang naisagot ko, narinig ko syang humagikgik ng mahinang mahina, hindi ko tuloy alam kung ngumiti talaga ko, o nagmuka akong batang natatae sa harap nya.
Matapos nun ay lumayo na sya sa kin, at ako naman ay nagmamadaling bumalik sa lamesa ko. Para kong nabunutan ng tinik sa lalamunan, pero hangga't di tapos ang araw na to, hindi ako mapapanatag.
-----
Nakabalik na kami lahat sa pwesto namin, nagsisimula na rin akong gawin ang trabaho ko, nagsimula na rin gumalaw ang mundo namin sa maliit na kwartong kinabibilangan naming apat nina Chanyeol.
Creatives team kami, at nag-aaway si Chanyeol at Minseok sa ad concept na ipepresinta nila sa meeting mamaya kasama ang kliyente, habang si Jongdae naman, nagdadownload na naman ng porno, hindi sya napapagalitan kasi sya rin ang source ng iba pa naming manyak na kaopisina.
Bumukas ang pinto, natahimik si Chanyeol at Minseok. Napamura si Jongdae, nacancel nya download nya. Muntik na ko magtago sa ilalim ng lamesa ko.
Nasa kwarto namin si Zitao.
"Please, dont mind me. I just wanna be familiar with the office and the employees."
Tumayo si Chanyeol, nagpakilala sila isa-isa. Napilitan na rin ako magpakilala.
"I'm Yifan, welcome to your company." Puta, napapainglish ako, wala naman atang sense sinabi ko.
"Hahaha, you're funny, Yifan. Ok, i'm going now, nice meeting everyone." naglakad na sha palayo, nakatingin lang ako, kinakabahan sa mga susunod na mangyayari, pag hindi pa sya lumabas agad, aatakihin ako sa puso.
"Oh, and Yifan."
Puta.
"Meet me for lunch, I need to talk to you, bye." Nginitian nya ko, sabay labas ng pinto.
"YIFAAAAANNNN!!!" Bulyaw ni Jongdae sabay takbo at akap sakin, sumunod na rin sina Chanyeol at Minseok.
"Mamimiss ka namin!!"
"Wag mo kaming kakalimutan!"
"Dumalaw ka pare!"
"Hayup kayo. Bitawan nyo ko!" Tinulak ko ang tatlo, nakangiti silang lahat sakin na parang nang-aasar lang, bumalik ako sa trabaho, bumalik yung tatlo sa lamesa nila, nagsimula silang magusap-usap.
"Pare naalala mo nung unang pasok mo dito? Si Yifan unang bumati sayo nun, diba?" Tanong ni Jongdae kay Chanyeol, habang sinisimulan nya uling idownload ang porno nya.
"Oo naman pare. Eh naalala mo nung birthday nya nung isang taon? Hayop. Akala ko di na tayo matatapos sa inuman. Ang dami!"
"Oo. Tapos nung pasko, diba ang tindi magreklamo sa regalong natanggap, akala mo may patagong regalo kung makalait sa nakuha nya e." sabi ni Minseok habang nagsisimula syang ayusin ang lay-out ng poster nya para sa meeting mamaya.
"Buhay pa ko, mga gago. Andito ko, at naririnig ko kayo."
Humalakhak yung tatlo, nangiinis lang yata.
-----
Bumilis ata ang oras, pagtingin ko sa relo sa dingding ng kwarto namin, 11:30 na ng tanghali, sinimulan na naman akong pagpawisan.
"Pare, text ka lang pag kailangan ko na iclear out table mo mamaya." Nang-aasar si Jongdae, binato ko sya ng eraser, na agad naman nyang nasalo.
"Tado. Ako mismo maglilinis ng lamesa ko."
Bumukas na naman ang pinto, si Zitao.
Kung di ko lang alam na boss ko sya, mumurahin ko to uli e. Papatayin ata ako sa sakit sa puso.
"Shall we go, Yifan?"
Tumango ako, sabay tayo sa kinauupuan ko, nakatingin sa kin yung tatlo, pigil na pigil ang tawa, mukang mauutot lang sila sa ginagawa nila.
Naglakad ako palapit kay SIR Zitao, naglakad kami palabas ng kwarto, pero narinig ko pa rin ang tumataginting na halakhak ng tatlo, nananadya talaga.
-----
Naglakad ako kasunod nya, nakatingin lang sa sahig na nilalakaran ko, naririnig ko mga kaopisina namin na nagbubulungan, nagtataka siguro kung bakit kasama ako ng bago naming boss, pero ako hindi na.
Nakalabas na kami ng opisina, hinihintay namin huminto ang elevator, tahimik lang kami. Tumingin ako sa relo ko, 11:35. Meron pa akong isang oras at mahigit bago matapos lunch break ko, pero parang hindi yata ako tatagal, nasa lobby pa lang kami hindi na kami nag-uusap, kakain pa kaming magkasama? Sana kung makakain nga talaga ako.
Bumukas ang elevator, pumasok sya, sumunod ako. Nang-aasar ang tadhana, inaasar ako. Dalawa lang kami sa loob, nakakapagtaka. Lunch break diba? Dapat maraming tao!
"Where do you want to eat?"
"Kahit saan."
Humagikgik na naman sya, hindi ko alam kung bakit kanina pa sya natatawa sakin, sasapakin ko na talaga to. Oo na, masaya ka na dahil sa unang araw mo sa opisina may mapapatalsik ka nang empleyado.
Bumukas ang elevator sa unang palapag, naglakad sya, sumunod naman ako, hindi ko alam kung saan ako dadalhin neto, baka mamaya i-pasalvage ako sa mga nakaabang na bodyguards nya, o kaya naman baka black belter to, bugbugin lang ako bigla sa likod ng building namin.
"Uh, Yifan."
"Baket?"
"I, I really don't know where to eat here, you see, I just arrived yesterday and today's the first time I've been in the area, I was hoping you'd take me to where you usually eat."
"Madalang kami kumain sa labas, may baon kami madalas. Pero wala akong baon ngayon kasi sabi ni Minseok kahapon magdadala sya ng pagkain."
"Do you want to go back upstairs? We can join them, I mean if you will all let me join."
'Tangina neto. Anu ba?! Wag ka nga paasang hayop ka. Diretsuhin mo na ko. Tanggal na ba ko sa trabaho? Aatakihin na ko sa puso sayo!'
"Boss ka namin, syempre papayag yung mga yun."
Natahimik sya, tinignan ko lang sya, parang lumungkot ata itsura nya, wala naman ata akong nasabing masama ah?
"Ano... Sir, ok ka lang?"
"Yifan, please call me Zitao."
Nalintikan na, ayaw magpatawag ng sir, hindi ko na talaga magiging katrabaho to. Paalam trabaho, paalam luho, paalam.
"Eh, sir di naman po pwede yun. Boss ko kayo e." Napangiwi ako, kinakabahan pa rin ako sa harap nya.
Tumingin sya sa kalsada, "... Are there good restaurants here?"
Matamlay ang boses nya, parang nawalan ng gana bigla, mukang napilitan na lang sa sinabi nya.
"Eh sir, tatawagan ko po si Minseok, akyat na lang po tayo uli, kung gusto nyo."
"Yifan."
"Po?"
"I'm not gonna fire you, ok? Stop being awkward around me because of what happened this morning."
Tangina, nakakabasa ata ng isip to. Shit. E di kanina nya pa alam na minumura ko na sya sa utak ko?
"Eh sir, kung di nyo ko papatalsikin, baket nyo ko tinawag?"
"I wanted friends, not employees. And you were so 'real' to me this morning, and even if you were very angry, it made me happy."
Nakasinghot ba to? Tado 'to ah. Ang init init na ng ulo ko kanina, natuwa pa pala sya.
"No one's ever been that angry to me before. I was always right, always good."
Yabang mo.
"Ah..." Wala akong naisagot. Tama bang nagdadrama na sya sa kin agad? Hindi naman kami magkaibigan pa e.
"So please Yifan, call me Zitao, even just outside the company? Please?"
Ayos ka ah. Kung makautos akala mo may patago sakin.
"Sige."
"Let's head back upstairs. I'm hungry."
-----
"Ikaw nagluto?"
"Oo. Baket Jongdae? May reklamo ka?"
"Syempre wala. Ikaw pa."
"Kadiri. Asan ka ba Yifan?!"
"Dito na lang kami kakain! Tara sir." pumasok ako sa pinto matapos kong marinig sumigaw si Chanyeol, hinahanap ako. Sumunod si Zitao, may mga gagong nagbubulungan na naman sa ibang cubicle ng opisina na malapit sa kwarto namin.
"Hope you all dont mind, will you let me join your little feast?"
"Sure, sir. Please, do eat, it's not much, but I do make a mean chicken curry."
Natawa ako, aba, kaya naman pala ni Minseok makipagsabayan sa englishan.
"Minseok, right? Ahh, I can understand Tagalog, I just can't speak it well. I'm... what's that... Bulol."
"Ok. Mabuti. Kasi pag di ka marunong umintindi, di ka namin kakausapin." Sagot ni Jongdae sabay subo ng pagkain nya.
"Ano ka ba? Malamang nakakaintindi yan, kinausap si Yifan e?" pang-aasar ni Chanyeol.
"Tado." Sambit ko, sabay abot kay Zitao ng plato at kutsara't tinidor.
"Dito ka na kumain sa lamesa ko. Dito na kami." Sabay upo ko sa sahig kasama yung tatlo.
"But I want to join you." umupo sya sa tabi ko, sa sahig, tinignan ko siya.
Tangina, bakit ganto kaamo mukha neto? Ang kinis pa.
Ganda ng labi.
Ganda ng mata.
Tangina.
Kumakabog dibdib ko.
"Thank you for the food!" Sabay kuha na rin nya ng pagkaing dala ni Minseok, nakatingin pa rin ako sa kanya, ang hinhin nya kumain, antagal din ngumuya. Ngumiti sya, "This is really good Minseok."
Lumakas lalo kabog ng dibdib ko.
"Baka matunaw...." sambit ni Chanyeol saka lang ata ako natauhan sa para bang panaginip ko.
"Tado." Kumuha na rin ako ng pagkain, nakangiti yung tatlo, nagtitinginan, tinignan ko si Zitao. Tahimik lang syang kumakain, pero parang mas masaya sya ngayon, kesa kanina.
'Zitao... Ang sarap banggitin ng pangalan nya.'
-----
"YEAH!" Sigaw ni Minseok at Chanyeol pagpasok nila sa opisina namin.
"Ayun naman pala e. magpapainom na yan!" Sabi ni Jongdae. Sa tingin palang sa dalawa, halatang naaprubahan ang ad concept nila para sa kliyente.
"Oh, inuman na to? Tagal na ring di nasasayaran ng alak lalamunan ko." sabat ko sa kanila.
"Ulul. Kahapon lang kainuman mo sina Joonmyun sa marketing eh." Sagot ni Chanyeol habang nakataas ang isang kilay.
"Ay shit. Baka sumunod na lang pala ko. May lakad kami ni sir Zitao."
"Uy, dedate. Ambilis ah. At boss pa talaga." Pang-aasar ni Minseok sabay upo sa tabi ni Jongdae.
"Tanga. Yung sasakyan ko, papatingin namin."
"Eh ba't ang lapad ng ngiti mo dyan?"
"Manahimik ka nga Chanyeol. Putsa ah, kanina ka pa."
"Napipikon, kinikilig kasi." Dagdag ni Jongdae, sabay kindat.
"Ulul. Kayo nga ni Minseok eh." Banat ko naman.
"Oh, anong meron samin?" Tanong ni Minseok, medyo may tono ng pagsusungit ang boses nya.
"Kayo na diba?" Tanong ko. Putsa, nagmukha na akong tsismoso sa tinanong ko.
"Oh, kami nga. Ngayon?" Balik tanong sa akin ni Jongdae, may tono rin ang boses nya.
"Bakit tinatago nyo pa samin?" Tsimoso nga ata talaga ako.
"Tinatago? Hindi ah. Wala naman nagtatanong, at wala kaming balak ipagsigawan, di ba Jongdae?"
"Oo. Tsaka, si Chanyeol nga di nagtatanong, pero alam nya. Teka, alam mo diba?" Sabat ni Jongdae sabay tanong kay Chanyeol.
"Oo naman. Amputa, malingat lang ata kami ni Yifan, nagkikindatan na kayo. At... HAHAHAH!!!" Anlakas ng halakhak ni Chanyeol, di na makapagsalita, mukhang kakabagan.
"Oh, anong tinatawa tawa mo dyan?" tanong ni Minseok habang nakataas ang isang kilay.
"Minsan, iniwan namin kayo dito, wala pa atang isang minuto, nagpapalitan na kayo ng laway, sarap na sarap kayo sa ginagawa nyo kaya di nyo ko napansin." Sagot ni Chanyeol habang humahalakhak pa rin sya.
"Tawa ka pa. Napansin kita, sinadya ko lang na dedmahin ka. Bitter ka lang siguro. Kakabreak mo lang kay Baekhyun nun e."
Barado si Chanyeol kay Jongdae, natahimik.
"Gago." Yun lang ang naisagot ni Chanyeol sabay bukas na lang ng PC nya uli.
"Asar talo. Ano? Inom ba tayo?" Tanong ni Minseok.
"Sige lang." Sagot ni Chanyeol, napikon ata.
"Oh, ikaw Yifan?" Tanong naman ni Jongdae, di talaga pinansin ang tono sa boses ni Chanyeol nung sumagot ito.
"Bahala na nga. Kasama ko nga kasi si Sir Zitao."
"Dedate."
"Tumahimik ka Chanyeol. Hindi kami magdedate. Uulit lang tayo sa simula at mababara ka na naman ng dalawang to."
"Hindi rin. Oh, san mo naman balak dalhin si sir? Pakitaan mo!" Nakangiti na si Chanyeol, makahulugan.
"Pakitaan ng ano?"
"Ng abilidad!" Sabay pa sumagot si Minseok at Jongdae.
Natahimik kami, may kumakatok. Nagmamadaling bumalik si Minseok sa harap ng PC nya, sumunod na rin si Jongdae. Naglakad ako patungo sa pinto, pagbukas ko, ang maamo nyang mukha ang nakita ko.
"Hi. May I come in?"
"O-oo naman."
Pumasok sya sa loob, isinara ko ang pinto, pagharap ko sa mga kasama ko sa kwarto, ang gaganda ng ngiti nila, makahulugan at nang-aasar.
"Did I come at a bad time?" Tanong nya, nakatingin na rin sya sa ibang mga kasama ko sa kwarto.
"Hindi. Ayos lang, upo ka lang." Wow. Akala mo bahay ko lang. Mukha na talaga kong tanga sa ginagawa ko. Naririnig ko na ang mga halakhak na nasa utak pa lang ng mga kaopisina ko.
"May kailangan po kayo, sir?" Tanong ni Chanyeol.
"Uhmn, not really a 'need'. I was just going to ask Yifan what time he will be out so we can get his car fixed."
"Pwede nyo na syang kunin ngayon sir." Sagot ni Minseok.
"Oo nga sir, para makarami." Sabat ni Jongdae, sabay halakhak, di na napigilan ang sarili.
"Makaramey? To gather more? What do I gather?" nakakunot ang noong tanong niya, ang naive nya. Wow. English yun ah.
"Wag nyo na lang pansinin yan sir. Epal mga yan e." Sabi ko na lang sa kanya, at umupo na ko sa harap ng lamesa ko, kaharap ko sya.
"Eypahl? What?"
Humalakhak yung tatlo, ang lakas, palagay ko rinig sya hanggang sa labas ng opisina namin. Ansaya. Walang respeto. Harap harapang pinagtatawanan boss namin.
"Wah! You're all making fun of me!"
"Kayo naman sir, di mabiro. Pero pwede na pong umalis si Yifan. Gawain nya yun e. Madalas po mag-undertime yan." Sambit ni Jongdae sabay kindat sa kin. Tarantado to ah.
"Ok then, shall we go Yifan?" Tumayo na sya, nagpaalam sa mga kasama ko sabay labas ng kwarto ng opisina namin. Kinuha ko ang bag ko, pagtingin ko sa tatlo, ang lalapad ng ngiti nila.
"Tangina nyo. Susunod ako sa inuman mamaya."
"Sige lang... pakitaan mo ha!"
"Tarantado ka Jongdae. Tumahimik ka." Sagot ko sabay labas na rin ng opisina.
Paglabas ko ng pintuan namin, nakatingin na naman sa akin ang lahat, akala siguro sumisipsip ako kaagad sa bago naming boss, kung pwede ko lang ipagsigawan na ayoko na nakikita akong kasama sya, gagawin ko.
Luminga ako sa opisina, nakita ko syang lumabas na ng pinto, sumunod na rin ako, hindi ko na pinansin ang mga tingin ng mga matang sumusunod sa kin.
"Where are we getting your car fixed?" Tanong nya sakin habang pababa kami sa parking lot ng building namin.
"Dun na lang sa kakilala ko, malapit lang yun dito." sagot ko, iniiwasan ko syang tignan, nabibighani kasi talaga ko sa mukha nya.
"Ah... I see. Then, you drive your car there, i'll follow you with mine, will that be ok? Then you can just come with me and i'll drive you home."
"Pero kasi sir, di pa rin po ako uuwi agad. May inuman po kasi kami nina Chanyeol... dun po ako didiretso."
Bumukas ang elevator at naglakad kami patungo sa kung saan naroon ang mga sasakyan namin, akalain mo nga naman. Magkatabi pa pala kami ng parking spot.
"Can I join you? If I'm not imposing, i mean. I dont have much friends yet..."
"Eh sige po sir. Kayo bahala. Tara na po ba?"
"You use 'po' too much. I feel old and superior. Dad's secretary said you're only 27 and that make me 3 years your junior." Magpapout si Zitao at panginoon, gusto ko kurutin yung mga pisngi nya. Bubuntong hininga sya at titingin sa akin, "I thought we can be friends when we're outside the office. But sure. Let's go."
Ngumiti sya sabay sakay sa kotse nya.
Tanginang buhay to. Kinilig ako sa ngiti nya. Napakamot ako ng ulo at sumakay na rin sa kotse ko.
Magiging mahaba ang araw na ito.
Pero ewan ko ba.
Parang ayoko na rin matapos ang mga sandali na pwede ko syang kasama.
Tangina. Para kong high school na nagkacrush.
Kasi naman e.
-----
Di ko alam san papunta iniisip ko, basta para na lang syang pelikula sa utak ko. Yung mga ngiti nya, pagpikit nya, yung mahahaba nyang pilikmata na akala mo didikit hanggang pisngi nya, yun lang ang mga nakikita ko imbes na yung daan.
'Delikado to ah.'
Pinihit ko ang radyo. Mas okay na sigurong makinig ng music kesa naman mapuno ang isip ko ng mga imahe nya. Zitao naman kasi, umalis ka muna sa utak ko ng makapagmaneho ko ng maayos. Isang araw pa lang kita nakikilala, feeling ko kaya mo na guluhin buong buhay ko.
"Minsan siya ay nakausap
Ako ay parang nasa ulap
Nang ako'y kanyang titigan
Sa puso ay anong sarap
Tunay na kapag umibig
Lagi kang mananaginip
Pag kasama mo siya ay ligaya
na walang patid..."
"Naknamputangina... Anong kakornihan ba to!?" Pinihit ko ang radyo, naghahanap ng kahit anong kanta na hindi ako makakarelate. Pinatay ko na lang din to nang wala akong ibang istasyon na makita, yung istasyon na hindi ko binalak pasabugin dahil sa kakornihang pinapatugtog nila.
Hininto ko ang sasakyan ko sa repair shop ni Pareng Jongin. Bumaba ako, at nakita ko rin si Zitao na bumababa ng sasakyan nya.
"Oh, pre. Ano nangyari?" bati ni Jongin habang pinupunasan yung grasa ng kamay nya sa basahan.
"Yung bumper ko..."
Sinilip ng kausap ko ang likod ng kotse ko, natawa sya ng malakas. "Pre, palitan mo na kasi sasakyan mo."
"Uhmn, I'm Zitao. I caused the damage on his bumper. Can you hurry up and tell me how much it will all cost?" Mukhang iritado si bossing. Nagpunas sya ng pawis mula sa noo nya, halatang hindi sya sanay sa maiinit na lugar.
"Pano to, inglisero?!" Tanong sakin ni Jongin, habang nagkakamot ng ulo.
"Nakakaintindi ng Tagalog." Sabi ko naman.
"Eh, teka po..." Nagkakamot pa rin ng ulo si Jongin habang iniinspeksyon ang kotse ko. Lumapit ako kay Zitao, inabot ang panyo ko, "Oh. Mukhang di ka sanay sa maiinit na lugar."
"I'm really not. Thank you, Yifan." Ngumiti sya matapos kunin ang panyo ko, pakiramdam ko nanginig ang mga tuhod ko pagkatapos.
"Jongin, ihiwalay mo yung para sa aircon, sira rin yun." Yun na lang sinabi ko para hindi ko titigan ng matagal ang boss ko. Salamat na lang at mas maliit sya ng bahagyang bahagya sa akin kaya hindi nya sana halata na tinititigan ko sya.
"Sige pre. Sandali lang." Umiikot na sa kotse ko si Jongin at binuksan ang hood ng kotse. Umismid si Zitao sa gilid ko, ayaw nya talaga dito.
"Uhmn, Zitao, gusto mo sa labas muna tayo?" Tanong ko, tumango sya at naglakad sa garahe kung saan medyo malamig ang simoy ng hangin. Naglabas ako ng sigarilyo, inalok ko sya, "Naninigarilyo ka ba?"
"From time to time." Ngumiti na naman sya, at kumuha ng isang stick. Inobserbahan ko, hindi naman nagdudunung-dunungan, mukhang naninigarilyo talaga sya.
"Just dont tell it to anyone."
"Ok." Yun lang sagot ko, kasi naman, kahit na anong gawin nya, ang ganda nya sa paningin ko. Nakakairita na, kasi feeling ko hindi ako kumain, kasi parang walang laman tiyan ko kung hindi hangin, hangin na binubulong ang pangalan nya.
Tahimik lang kaming nanigarilyo sa labas. Hindi ko alam sasabihin ko sa kanya, hindi rin naman sya mukang makikipag-usap na lang ng tungkol sa kahit na ano.
"Yifan!" Sumigaw si Jongin, lumingon ako, pati rin si Zitao. Lumakad na kami pabalik sa negro kong mekaniko.
"Oh, magkano?"
"Mga nasa 17,000 to pre. 10 sa bumper, 7 sa aircon."
"I'll pay for everything." singit ni Zitao.
"Naku, hindi. Kahit yung bumper lang, wag mo na bayaran yung aircon."
"I insist. I'll pay it now." Nakangiti na naman sya, at nilabas nya ang wallet nya, nagbayad agad kay Jongin. Cash. Napakamot ako ng ulo, Putangina, magkakautang na loob pa ko dito...
"Uhm, sige po. Salamat. Yifan, kunin mo pagtapos ng 3 araw."
"O sige."
"Ok thanks, bye!" Hinila ako ni Zitao sa braso pabalik sa sasakyan nya, buti na lang medyo malamig sa labas, at hindi siguro nya napansin na nanginig ako ng hawakan nya ko. Puta, yung mga kilabot ko sa katawan naglabasan.
"So, where to?" Tanong nya matapos nya makapwesto sa driver's seat, ako naman sa tabi nya.
"Eh turo ko na lang, baka mawala pa tayo kung di mo rin naman kabisado yung daan..."
"Okay!"
-----
"Ahahaha. Ayun naman pala may date eh!!!" Sigaw ni Jongdae. Salamat, tanginamonghayopka. Sana kung wala sya sa tabi ko at hindi nakakaintindi ng tagalog diba?
"Date?! No! This isn't...!" Di nya na natapos yung sinasabi nya kasi tinakpan na nya bibig nya ng kamay nya na hawak yung panyo ko. Patay, regalo ni Minseok sakin yung panyo. At alam nya na akin yun.
"Aba'y nagshe-share na ng gamit eh..." Singit ni Minseok.
'Panginoon, sabi ko na nga ba...'
"Puta. Pano naman ako, wala akong kasama?!" Sambit ni Chanyeol sabay lagok sa beer nya. Mainit ulo.
"Aba'y walang problema!" Sagot ni Jongdae, sabay labas ng cellphone, "Date lang pala hanap mo e."
Inaya ko na syang umupo sa tabi ni Chanyeol, ako sa kabilang gilid nya. Si Minseok at Jongdae sa harap namin. Mukang namula pisngi nya ng halikan ni Jongdae si Minseok sa pisngi habang hinihintay nung manyak na sagutin ng kahit na sinong kaibigan nya ang telepono para ireto sa isa pang manyak naming kaibigan. Ano ba nakita ni Minseok dito kay Jongdae?
"Are they... together?" Bulong bigla sakin ni Zitao, tumaas ata lahat ng balahibo ko sa likod ng maramdaman ko ang hininga nya sa leeg at tenga ko.
"O... Oo." Sagot ko, medyo nilayo ko sarili ko sa kanya.
'Panginoon, wag lang akong magbablush. WAG HABANG KASAMA KO SILA.'
"Siguraduhin mong tao yang kausap mo, Jongdae." Sambit ni Chanyeol, nakakatitig ng masama sa boypren ni Minseok.
"Tao to. Titigas titi mo dito."
"WHAAA...?!" Halatang halata kay Zitao ang pagkahiya. Tangina netong mga to eh, walang pakundangan. Okay, payn. Bastusan naman talaga kami mag-usap pero naman. Sana hindi ngayong gabi na to. Wag naman.
"Wag mong pansinin si Jongdae, sir. Mapagbiro lang po talaga to." Sagot ni Minseok sabay kurot ng madiin sa pisngi ni Jongdae. "DIBA JONGDAE!? Umayos ka." Masama tingin ni Minseok, tumango na lang ang boypren nya.
"Sino ba yan?" Tanong ni Chanyeol.
"Ex mo."
"PUTANGINA!!!!" Sigaw ni Chanyeol, sabay tahimik, "Teka, sino sa kanila?"
"Sino paaaaa?"
"JONGDAE! TANGINA IBABA MO YAN."
"Subukan mo ko." Kindat si Jongdae, humagikgik na lang si Zitao sa tabi ko.
"Ok ka lang? Sorry. Bastos talaga bibig ng mga to e."
"Linis mo Yifan." Nakataas kilay ni Minseok habang iniinom ang beer nya.
"Ahahaha, I'm fine. Don't worry. I find the conversation amusing." Nakangiti na naman sya, tumawag sya ng waiter at umorder ng maiinom. Umorder na rin ako.
Halos mapatalon si Zitao mula sa upuan nya sa gulat ng halos lundagin ni Chanyeol si Jongdae mula sa kinauupuan nya. "Tangina naman Jongdae eh, alam mo naman na hindi pa kami nag-uusap uli ni Baekhyun mula ng magbreak kami." Medyo napipikon na si Chanyeol, nang-aasar pa rin ngiti ni Jongdae. Si Minseok ang sumagot, "Eh di naman kayo nagbreak dahil ayaw nyo na sa isa't isa. Tanga ka kasi. Porke pinadala sa Singapore si Baekhyun ng ilang buwan, binreak mo naman."
"Malay ko bang babalik din naman sya agad...?" Inom uli ng beer si Chanyeol, umiinit ulo sa bawat lagok nya.
"Eh ikaw kaya dahilan ng pag-uwi nya." Sagot ni Minseok, nailuwa ni Chanyeol iniinom nya, "DI NGA?!"
"Oo nga. Kaso gago ka. Nakauwi na at lahat lahat si Baekhyun ayaw mo pa pansinin." Sabat ni Jongdae, sabay dial uli ng cellphone, mukhang di nasagot unang tawag nya.
"You broke up because you feared the distance between you will be a problem?" Nagtanong na rin si Zitao, nako. Sana lang wag masapak ni Chanyeol.
"Uhh... parang ganon. Kasi, ano... Clingy ako e. Tsaka, insecure. Ang cute cute ni Baekhyun, baka pagtapak pa lang sa Singapore nun, may mga pumila na agad dun. Ayoko naman maparanoid kakaisip ng kung ano-ano... tapos baka magselos ako ng magselos eh mastress lang sya."
"Abaaaa... sumasagot ng maayos pag kay sir." Singit ko, mukang makakai-isa ko sa pang-aasar dito kay gago.
"Tarantado." Sagot ni Chanyeol sabay takip ng mukha, "Pero pramis, mahal na mahal ko yung taong yun eh. Sa damirami ng nagkandarapa sa kanya, ako pinili nya. Ako rin yung tangang iniwan sya dahil sa takot." Mukhang iiyak na si Chanyeol, hinimas ni Zitao likod nya.
"Then you should talk to him, call him before inviting him here."
"Sir, nainlab ka na ba?" Biglang tanong ni Chanyeol, lasing na ang kaibigan ko. Lasing sa alak at pag-ibig.
"Ah. Yes. I have a boyfriend in the US. I know what you're going through, dont worry."
Tangina, gumuho mundo ko.
Pumapatol nga siya sa lalake. Ako rin naman.
Kaso puta naman. May boypren.
MAY BOYPREN.
Ininom ko ang beer ko agad nung dumating ito. Isang lagok, ubos. Umorder ako agad ng isa pa.
TANGINA.
Nakakagago namang buhay to eh. Magkakagusto ka sa isang tao, puta wala pang isang araw, warak-warak na agad puso ko.
------------------------------
Author's Notes: As mentioned, this is just me changing my characters from SCREW to EXO because I just thought this story is too funny to drop. Unfortunately, I have no muse for Jin and Yuuto (i ship Kazuki/Manabu) but I still have a raging muse for TaoRis.
Also, nope. I will not be translating this to English.