(no subject)

May 29, 2007 23:19

makita ka't lahat biglang titigil
lilingon ako, sa sobrang bilis mababalian
liliit ang paningin
lubusang pag-iisipan sa eskuwelahan

ganiyan ka
'yan ang ginagawa mo
'di mo kasi alam
ako'y napapaamo

pasok labas ka sa'king isip
ako'y nabubusog kahit tiyan walang laman
utak pilit gagamitin
para lang ika'y masulyapan

ganiyan ka
'yan ang ginagawa mo
'di mo kasi alam
ako'y napapaamo

imposible nga lang
pero libre ang pangarap
'pag higa, ako'y mananalangin
na ika'y makapiling
Previous post Next post
Up