May 12, 2005 21:54
Okay. Naranasan niyo na bang ipa-prick ang mga pimples niyo sa dermatologist?! Kung oo, nako, parehas tayo ng pinagdaanan. Kung hindi naman, swerte kayo at sana maranasan niyo rin naman para fair. :P Kahapon kase halos kinaladkad ako ng nanay ko papunta sa clinic kay Dr. Ferrer (woot, libreng plug!) para daw "magpa-derma". So ako naman, totally clueless kung anong sakit ang mararanasan ko (kase doi naman, akala ko puro pa facial-facial lang), ay pumayag. Hay. Big mistake.
Una yung ginawa sakin eh ang tawag ay Facial Sauna, kung saan ilalagay mo yung mukha mo over a container of some sort. Akala ko nung una wala lang, pero after siguro mga 5 minutes may lumabas na soooobrang mainit na vapor. Yun pala ay pang-open daw ng pores. Sus. Pores, schmores. MAINIT, potek! :X So yun. Sige, susunod ay ang pag-prick na mismo. Tinanong ko si doktora kung masakit yung gagawin niya, at ang sabi niya: OO. @#$%^&*()! Gosh. Understatement yung sagot na yun. Sa sobrang sakit napaluha na ako. Kase parang hinuhukay niya yung pimples mo at tinatanggal yung nana. Ugh. Eeew. Kung andun lang kayo. Buti nalang hindi ko nakita mismo yung procedure. Waaah. Pero ngayon hindi na namamaga yung mukha ko, at binigyan na rin ako ng gamot. Salamat at natapos na yun.
Dahil naguilty ang nanay ko, binilhan niya ako ng DVD ng South Park (complete 3rd season!!! Waaaah!) at The Pianist. At nilibre niya ako ng Apple Mango Smoothie. Mmmmm, chalap.
Malungkot ako ngayon. Halos gumuho na ang mundo ko (;P). Alam niyo kung baket? Kase... nasira ang camera ng cellphone ko. Waaaaah. Bwiseeeeet. Di ko alam kung pano nangyari yun, pero ang sinasabi lang niya "Operation failed". At nung dinala namin siya sa manggagamot ng cellphone, sabi eh titignan daw muna kung sa software o hardware ang sira. At para ma-check kung ano nga ang sira, mabubura daw ang laman ng pinakamamahal kong cellphone. LAHAT. Huhuhu. Anong gagawin ko?!?! May choice pa ba ako?!?! Wala. Wala! Babay, pictures. Babay, sound clips. I will miss you. :(
Sige na, The Apprentice na eh. Money, money, money, money, MONEY! <-- Wahaha, si Bo 'to!