birthday ko na sa october 26. i'm turning 24. ewww. sana naman ngayong taon may makuha naman akong regalo, parati na lang akong walang regalo (except galing kay pappy... duh kailangan niya akong bigyan kundi kukuskusin ko siya.)
every year din wala akong nakukuhang regalo galing sa magulang ko kasi parati kong hinihingi before my actual birthday. gift sa akin ng mom ko ngayong year yung amanpulo trip tsaka ung bago kong bag tsaka ung glasses ko tsaka ung wallet ko. bigay sakin ng tatay ko ung leather seats ng kotse ko tsaka ung LCD monitor na bibilihin ko (hindi pa niya alam na gift niya sa akin un. i'll just charge it to his credit card. wehehehe.)
marami pa akong gustong bilihin. i doubt kung may magbibigay sakin nung gusto ko kaya mangangarap na lang ako.
1. gusto ko ng iPod kasi namatay na ung iPod ko. sira na ung hard disc. boohoo. after 4 years and a dozen trips together (nakapunta na siya sa kung saan-saan!), Ganda finally died on me. yep, pangalan niya "GANDA," katulad ng USB at iba ko pang electronics. ganda lahat ang pangalan nila. neway, naalala ko pa ung huling kanta na tinugtog niya. "destiny" by zero7. nakakaiyak. nagpapahiwatig ata. huhuhu. umiyak ako. pano ba naman wala akong back-up ng mga kanta kasi nag-crash ung pc ko.
nakakahiya kasi sa office pa nangyari. so siyempre may i consult ako sa T3 pero diagnosis nila na wala na talaga. hay.
bilang pampalubag loob binigyan ako ng sony walkman ng tatay ko. hindi ung luma ha. ung mp3 player. kaso 2gb lang un. hay ulit.
i miss u ganda. may u rest in peace.
2. gusto ko ng seagull na lomo. dapat bibili ako sa hong kong kaso wala akong mahanap. tsaka naubos ko agad ung pero ko sa shopping. pero hindi ko siya super duper gusto. kung baga ok lang kung meron o wala.
3. 35mm adaptor ng holga ko. para astig. mura lang to. punta kayo sa
everythinglomo.blogspot.com 4. gusto ko ng chanel na bag. un lang. kasi wala pa akong ganun. unlang ata ung wala pa ako tsaka goyard.
5. gusto ko ng mp3s kasi nga wala akong back-up ng mp3s ko. 3,000+ un. bigyan niyo naman ako ng mp3s. huhu.
6. gusto kong mag travel. kahit saan. somewhere hindi pa ako nakakapunta. or kahit hong kong ulit (my super favorite place in the world, next to paris). or paris din. why not. candice: from pinas to paris! harharhar.
naaalala ako nung nasa paris ako sobrang saya kasi they sell crepe sa street. tapos parang habang naglalakad-lakad ka parang nagpplay sa utak mo ung la vie en rose. pero leche wala naman akong nakitang mga naka-beret. hahaha.
nung naglalakad ako malapit sa eiffel, biglang may french guy na nagsabi sa akin ng "je'taime." i smiled at him. in fairness cute siya. pero gagu siya hindi naman ako tonto para hindi malaman ang french ng i love you. naaalala niyo ba ung kanta dati na kinakanta pag UN week? "je'taime, te amo, i love you. watashiwa anato weishtema, ich libi dich, iniibig kita, wo ay ni, pano man sabihin ang mundo't turuan natin..." hahaha. batsa un na un.
7. gusto ko ng dvd ng ugly betty. hehehe. or rome season 2.
un lang naisip ko na gusto ko. hrmm lunch na. gusto ko tuloy ng crepe.