Jun 29, 2007 23:08
went to Ratsky's Tomas Morato to watch kuya xernan and kuya joel battle it out with other b-boys dun sa event hosted by the All-Stars. 2nd anniv rin pala nila nun! hehe chaka nga parang fund raiser narin kasi kelangan nila ng funds para makapunta sila sa isteyts para idefend ang title natin as the world hiphop champs! chyea! :)
sumabay kami (kuya xernan, kuya joel, jolo, and i) kay ate mel papunta dun. during the car ride going there, nagiisip ng crew name sila kuya xernan kasi baka kakailanganin raw! hehehe eto yung ilan sa mga naisip nila:
Crew Pals
Crew Mags
Aray Crew Po
Diggimon
muh-muh-muh-Monster Kill Crew
First Blood Crew
Crew Pals = krupals = kupals
Crew Mags = krumags = kumags
Aray Crew Po = gets niyo naman.
Diggimon = kasi may Pockemon raw. at dahil may extrang letter yung Pockemon ('c'), digGimon raw. o Dhigimon.
yung last 2, di naman halata na adik sila sa dota noh?
o ayun. pagdating dun, nandun na sila dan at kris. tas yun, mga 7pm na siguro nun. dapat magsstart na pero ASA. super konti ng tao! hay. so mga 8pm na nagstart! hehe marami naman ang dumating :D
3 parts pala yung whole thing: Freestyle, Krump, Breakdance. hay! yung sa freestyle, grabe yung mga pop&lockers! pero puro biders (bide = term sa breakdance pag ginaya mo yung nagawa na ng iba).. ginaya nila si Salah. ugggh. pero may magaling talaga dun. pero sayang, bide talaga. yung isa naman, sobrang bide! kakagawa lang nun guy before him, ginawa ulit. yaaak todo bide >_<
sana sumali si kuya vimi! may laban talaga si kuya vimi dun, no doubt about it.
dun sa krump naman, pare-pareho lang naman yung ginagawa. puro suntok, invisible gun na kina.cock tas ibabaril sabay sa explosion ng music, tanggal cap ng kalaban tapos itapon sa sahig sabay tapak.. tssz. sayang. meron nag.rip ng shirt niya. hehehe konti lang yung malalakas talaga tas nag.iinteract talaga with the environment. ibigsabihin nun hindi planado lahat ng ginagawa niya kaya exciting panoorin.
sa breakdance, WHOOOOA!!! lumaban na sila kuya xernan pero tanggal sila sa first round palang. okay lang, di naman sila nageexpect. ang lalakas lang kasi talaga nung mga kalaban na taga.probinsya (if you consider taguig and laguna a province.. provinces ba sila? hehe diko alam e.)..! grabe si POPOY! at si BENOK!!! si popoy, talo niya si kyxz ng All-Stars! si kyxz kasi nakaka.2 o 3 air flare lang, tas chamba pa minsan. si popoy naman, sobrang dami!!! tapos bigla niya isstop tapos airchair na nag.tread! WHOOOOAAAA!!! si benok naman, grabe magdrill! (headspin na super bilis na parang drill, hence the name).
merong isa dun magaling rin sa headspin! kadalasan kasi kailangan ng 2 o 3 bwelo na ikot bago bitawan yung floor. pero yung guy na magaling, isang bwelo lang! lupit grabe!!! hehehe
saya panoorin! hehehe :D sucks lang kasi 1230am na, eh hindi pa tapos!!! ehh super late na, kaya we had to leave na. nagtaxi kami ni jolo tapos yun. tagal rin sa labas lang ng gate kasi tulog si ate pearly at di nasasagot yung phone niya. hehe pero nasabihan ko naman sha na late ako makakauwi. pero nakatulog hehe. i dont blame her! mag.aala-una na e!
o basta hay. ang saya!!! i will upload the pics next time pag may time ako :)
rl: breakdance: battle,
rl: upsdc: friends