Hen na Yume

Jun 09, 2014 12:04


Gusto ko na talagang kalimutan yung panaginip ko kahapon kaya lang hindi ko talaga makalimutan kaya isusulat ko dito.


Hindi ko alam kung bakit napanaginipan ko si Kikuchi Fuma. Oo. Si Kikuchi. Yung lalaking mahilig mag-duckface. Though, hindi naman siguro weird na mapanagipan ko sya dahil araw araw ko yatang nababasa yung pangalan nya sa News Feed ng Facebook ko. (At ayaw ko talaga sa KikuEru kaya gusto kong kalimutan ang naging panaginip ko.)

[(click to nightmare)]

Sa panaginip ko, galing kami sa concert. Ibang bansa yung setting pero nag-drive kami pauwi ng bahay. Ako, si Eru at iba pang girls. Blurry yung memory ko kung sino pa yung kasama namin pero basta si Eru yung kasama ko, nanood kami ng concert ng Sexy Zone. Concert ba o performance lang?

Nung natapos yung performance, lumapit kami. OO. LUMAPIT KAMI. Madami kami pero hindi kasing dami ng isang classroom. Siguro kasing dami lang kami ng grupo-grupo tuwing nagpi-fieldtrip. Si Eru yung unang kumausap sa kanila. Nakaliutan ko na yung unang pinag-uusapan nila tapos sabi ni Kento, isama daw namin si Fuma. Tapos tinanong ni Eru kung bakit namin isasama si Fuma. May sinabi si Kento pero di ko na itatype kasi ahahahahahahahahahahahahahahaha wala lang. Basta. Pero naaalala ko pa yung sinabi ni Kento.

End up na sinama nga namin si Fuma. SA BAHAY NAMIN. Tapos, iniwan ko sila ni Eru sa kwarto kasi sabi ko may kukunin lang ako... (ayan medyo malabo na yung memory ko from here.) Tapos nung bumalik ako sa kwarto, hindi ko alam kung ano yung nangyari sa kanila pero nakaupo lang si Fuma sa isang sulok ng kwarto (alam nyo yung itsura ng napagsamantalahang uke na nagtatampo? ganun yung itsura nya), si Eru naman, nakatayo malapit sa bitana.

Kinausap ko si Fuma, lumayas na rin sya sa sulok. Nakalimutan ko na yung pinag-usapan namin pero sa natatandaan ko, feeling close magsalita si Fuma. Madali talaga kong mahawa sa ganung klaseng tao kaya feeling close na rin ako. (ang labo) Tapos nung medyo nag-uusap na sila ni Eru, naalala ni Fuma na uuwi na sya.

Ang natatandaan ko, nag-offer ako na ihatid sya. Sabi ko, ihahatid namin sya ni Eru tutal, nasa labas naman yung kotse ko. Sabi naman ni Fuma na may tinawagan na sya para sunduin sya. Nung nasa baba na kami (nasa second floor kasi yung kwarto namin), may matandang lalaki na nasa pinto. "Nandito ka lang pala sa malapit." sabi nya kay Fuma. Mukhang tumakbo pa sya kasi hinihingal sya. Tapos ayun, sumama na sa kanya si Fuma at nagising na rin ako kaya di ako nakapag-ba-bye.

Nung nagising ako, ang nasa isip ko lang, "Bakit si Kikuchi yung napanaginipan ko?!"



At dahil napanaginipan ko, sure na sure akong hindi mangyayari sa totoong buhay. Kaya ko isinulat 'to ay para makalimutan ko.

random, language: tagalog

Previous post Next post
Up