just a thought. [tagalog entry... well sorta.]

Sep 09, 2005 17:25

bakit ganoon?

bakit, parang ang dali kong magkagusto sa isang tao. konting "pambobola" lang parang nasa ere na ang pakiramdam ko. sabihan lang ako ng "cute" nang babae tumatalon na ang loob ko sa galak.

bakit ganoon?

tapos, eto naman akong si tanga. alam na ngang hindi dapat ako nagkakaroon ng relasyon ngayon. dahil alam ko ang sarili ko at ayaw kong makasakit ulit ng damdamin ng iba, pati na rin ang sa sarili ko...

pero eto pa rin, sige lang ng sige. labas, labas. kahit na sumisigaw na yung konsensya ko na tigilan na itong kahibangan na ito dahil sigurado akong wala rin itong patutunguhan. parehas lang kaming nag-aaksaya ng oras na mas magandang ilaan na lamang sa mas matino at prodaktibong mga bagay.

bakit nga ba ganoon?

ayan, tinablan naman ako ng konsensya ko. sinabi ko naman na mas mabuti kung hindi na muna kami magkikita. at tingin ko rin naman eh gusto na rin nya sabihin kaso nga lang eh nahihiya. meron syang mga bagay na kailangan unahin kesa sa akin. meron din akong mga bagay na kailangan unahin kesa sa kanya. fair lang kumbaga.

subalit bakit ako. wala pang ilang araw parang gusto ko nang bawiin yung sinabi ko. gusto ko syang kasama. siguro dahil ang pakiramdam ko ang "lakas ng dating" ko. kasi nga naman, ka-date ko eh isang foreigner.

"iba ka `tol."

siguro yun ang nasa utak nung mga tao.

"wow, parang ala-hero at sandy ang dating nito."

tama, siguro ganun nga.

baka nga ganun, kaya gusto ko syang kasama.

o, mas madaling sabihin...

... gusto ko lang talaga ng kasama.

madali kasi akong mainip. gusto ko may bagong nangyayari bawat minuto. kaya laging wala akong natatapos.

ayun, tinatanong nya ako dati, kung ayos lang daw ba kung susundin ko ang tradisyon nila pag naging kami. sabi ko naman oo. syempre sinabi ko lang yun. hindi naman lahat kasinungalingan. pero depende lang siguro sa tradisyon nila.

meron pa, nung kinausap ko sya. pinangako kong mag-aaral ako ng mabuti mag-koreano para lang hindi sya mahirapan makipag-usap sa akin. kasinungalingan na naman, gusto ko lang talaga mag-aral nun para makipag-kilala sa ibang koreana. dahil nga torpe ako. at tingin ko. pag nagsalita ako ng ibang lenggwahe bukod sa inggles eh mas kakapal ang mukha ko.

oo na, masama ako. inaamin ko naman eh.

hindi ako kagwapuhan. pero sinusubukan kong pagbutihin ang anyo ko. para naman hindi nakakahiya diba.

grabe, lumalayo na ako sa gusto ko talagang sabihin.

masakit pala ang mabigo. iba ito tulad ng sports oo nga't nakakaasar matalo pero sunod mong laro eh nawawala na yung pakiramdam ng pagkatalo.

pero, paano ko nga naman mawawala ang kahit minsan hindi naging akin.

pagkatapos kong sabihin na mas maganda kung magiging magkaibigan lang kami. hindi pa rin nya sinasagot ang mga text ko. minsan naman kung sasagot sya. parang gumaganti. tulad nung isang araw.

nandun ako sa opisina ng tita ko sa ortigas. eh malapit lang naman sa kanila. eh tapos, malapit na naman syang matapos mag-aral. kaya sinabi ko kung gusto nya. punta kami sa starbucks para mag-kape.

sinagot sa akin ang isang malakas na sampal sa mukha nang nireplyan nya ako na.

"i'm sorry, i want to study, and after i will rest."

o diba, sakit. parang ayaw na talaga nya akong makita. siguro OA lang ako. pero parang ganun. hindi lang naman yan ang unang pagkakataon na ginawa nya sa akin yun, pagkatapos nung nangyari nung isang araw.

kaya ang plano ko na lang. tutal lagi nyang sabi sa akin. gusto nyang patabain ako. eh gagawin ko. at para naman hindi ko masyadong isipin ang mga nangyari eh. bababarin ko na lang sarili ko sa trabaho at pag-aayos ng mga bagay na dapat talagang ginawa ko matagal na.

siguro, eto ang nakakabuti. tutal, wala naman talagang patutunguhan. nagiging ma-drama lang naman ako. gusto ko lang talaga sabihin, pero wala akong masabihan. dahil alam kong pagtatawanan lang ako. at malulutong na "kapal" ang maririnig ko.

lahat ito, nag-umpisa sa "pambobola" nya.

sa totoo lang, sobrang dali kong paamuhin sa pambobola o kaya sa pagkain. kaya nga minsan, ayaw kong makarinig ng pambobola. kasi, baka magkagusto ako sa taong yun.

parang kailangan ko kasi bawat minuto ng physical reassurance sa sarili ko, at dapat ibang tao ang nagsasabi kung ako, di kasi ako maniniwala.

kadalasan ata akong tinatablan ng low self-esteem. naks, para akong taong galing mental. ha-ha-ha.

wala lang.

parang gusto ko talagang bawiin. sana pwede ulit syang maghintay...

... sama ko no?

pero, mas maganda sana.

mag-reply sya sa text ko. at sana ayos naman ang pakiramdam nya sa akin.

napanaginipan ko kasi sya kagabi. yung pakiramdam ko sa panaginip ko, malungkot. yung parang pakiramdam nang natalo. parang hindi ako makahinga. sa totoo lang, hanggang ngayon pag naaalala ko yung panaginip ko. ang sakit sa puso.

kasi naman, sa panaginip ko. kaya ayaw nyang makipagkita eh meron syang bagong lalaking pinagtutuunan ng pansin. o kaya naman, may ginagawa syang mas inuuna pa sa akin. pero tingin ko naman kung gugustuhin nya eh pwede nyang takasan dahil hindi naman iyon importante.

wala lang...

para tuloy ako nitong tanga. ang haba na ata nitong nasulat ko. sana may makatapos. pero una ko itong sinulat na tagalog ah.

basta, gagawin ko kung anong pinakamagaling kong gawin-- magkunwari na masaya.

tama, ganun nga...

Previous post Next post
Up