mayonnaise

Dec 01, 2010 14:30

Titulo: Mayonnaise

Manunulat: nodoka06

Pares: YamaChii at may konting OhgoJima at DaiSami, WALA munang UmiChii tsk.

MTRCB: Kelan ba naging safe ang YamaChii sakin,pang MENOR DE EDAD lamang.

Buod: May bagong kinahuhumalingan si Chinen na ikinaka-disgust ni Daiki.

A/N: Naisip ko lang isulat at napansin ko panay pala ang papak ko ng mayonnaise lately.Masyado ata akong nasarapan dun sa mayo dip na ginawa namin nung nag fry kami ng fries. Di nakarecover? :))

Sabado ng hapon.

Nagpapraktis sila Yamada ng sayaw na puro may 'Uwe uwe uwe uwe' sa lyrics na hindi ko alam ang title sa kanilang bahay. Hindi naman sa gusto nyang paringan yung mga kagrupo nya na magsiuwi na sapagkat hindi sila makapag moment ni Chinen kung nandun sila, kelangan kasi talaga nila magpraktis dahil dance presentation ang PROJECT nila sa P.E.

Ang kanyang grupo ay binubuo nila: shempre ni Chinen, ni Yuto, Umika, Asami at ni Suzuka. Andun din ang ever supporting loving bff ni Yamada na nagpresintang maging choreo nila dahil gusto daw niyang magpasikat sa mga ex schoolmates niya, ehem ehem .. excuse me po.

Madali naman na ang dance routines gayong halos lahat naman sila ay talentado. Yung nga lang kahit anong galing mo mapapagod at magugutom ka sa kalagitnaan.

"Dai-chan, can we have a break?" tanong ng Leader na mataba.

Napakunot ng noo ang penguin, "Break?Bakit tayo ba?"

Napatingin ng masama ang squirrel.

"Sira, I mean break time. Maawa ka sa kin tagaktak na mantika ko oh." sabay turo nya ng kanyang pawis sa mukha. "Pati tong t-shirt ko pwede ng pigain."

Napatingin lahat sila sa t-shirt ni Yamada na ikinatuwa ng syota niang squirrel. Manipis na t-shirt lang kasi suot nya tutal naman daw nasa pamamahay nya sya, at dahil manipis kitang kita ni Chinen ang siksik este seksing katawan ni Yamada at ang mga chocolate abs nito. Pumikit na lang si Umika habang bumili si Asami ng isang box ng pocky kay Daiki at tinakpan naman ni Yuto ang mata ni Suzuka.

"Yuck Yuto! Ano ba yang kamay mo pasmado! Baka masira make-up ko!Tangalin mo nga yan!" high blood ang lola nyo, meron ata.

Na hurt naman si tangkad, nag face the wall tuloy.

"Osha. Naawa naman ako sayo bestfriend baka mamayat ka. Wag na magbreak, perfect nyo na naman eh. Bukas na lang ulit, that's for today." wika ni Daiki habang sinusuklian si Asami.

"Thanks Dai-chan. Sige CHII-bog muna tayo, may hinahanda na si inang reyna, CHII-yotto matte ne~"

Masyado ng naliligayahan si Chinen sa paulit ulit na pag emphasize ni Yamada ng kanyang nickname. Damang dama nia ang pagmamahal ng dyowang mataba.

Busy naman si Yamada sa pagpupunas ng pawis nya at wala talaga syang pakialam kung may babae ba silang kasama. Naghubad sya ng t-shirt at bubuksan na sana nya yung host ng tubig ng pinigilan sya ni Chinen.

"Yama-chan wag ka munang magbasa baka magkasakit ka. Punasan na lang kita." offer ni Juliit na tinangap naman ni Ryomeo.

Habang si Yuto hindi na naka face the wall. "Suzu-chan ..."

"Oh bakit?!"

" Pinapawisan din ako oh.."

"Oh di ba may panyo ka?Punasan mo. Ano gusto mo ako pa magpunas nian? Baka magpalagay ka pa ng pulbos. Ano ako nanay mo?" confirmed, may dalaw nga ang lola nyo. Nanahimik na lang ulit si Yuto at muling nag face the wall.

Malamang si Asami pinapawisan rin kasi di ba normal na tao din sya. Tahimik lang syang kumakain ng Pocky sa isang sulok ng may nagpunas ng pawis nya. Sino pa nga ba.

Habang si Umika nag se-self pity. Feeling nya OP sya, sya lang kasi walang partner. Iniisip nya si Jingi eh kaso hindi nya naman kras yun, naisip nya lang may utang pa palang load sa kanya yun. Hindi nagtagal nagsalita din sya.

"Chinen-kun..."

Patuloy lang si Chinen sa unti unting pagpunas nya ng pawis ni Yamada at hindi nililingon si Umika, masyadong busy ang mga mata nya. " Bakit Umi-chan?"

"....Pi-Pinapawisan ka na din kasi ..." 10 years bago sya nakasagot.

"Ah, yun ba. Okay lang yan matutuyo din yan."

"Yuri ano ka ba, hindi ka dapat nagpapatuyo ng pawis. Baka magkasakit ka." Walang sabi sabi tinaas ni Yamada ang t-shirt ni Chinen at pinunasan ang likod nito na naging dahilan para makiliti ang batang malandi.

Hindi na kinakaya ni Umika ang kanyang mga nakikita. Masyado pa syang bata sa mga ganong eksena at inosente pa daw sya. Pinikit nya na lang muli ang kanyang mga mata.

Maya maya pa ay lumabas na ang ina ni Ryosuke na may dalang miryenda; tacos, french fries, sandwiches at shempre may kasama na yong drinks at mawawala ba naman yung peborit istroberis ni taba, syempre hindi.

Naawa na rin si Mrs. Yamada sa kalagayan ni Umika kung kaya't kinuha nya ng damit ang anak pati na rin si Chinen na suot ang pinagliitang damit ng nobyo.

"Kawashima-san, okay ka lang?"

Tumango na lang si Umika at kumuha ng isang tacos. French fries naman ang unang inupakan nung tatlong bansot na lalake habang si Yuto kinakaladkad ni Suzuka para sumalo sa kanilang miryenda.

"Yama-chan wala man lang ba kayong sawsawan dyan para mas masarap tong french fries? Mayonnaise or kahit ketchup man lang?" hinawakan ni Chinen ang kanang braso ni Yamada para pigilan ito sa pagsubo ng fries bago sya nagtanong.

"Hmmm.. May mayonnaise at ketchup ata kami.Alin b sa 2?"

"Parehas na lang.Paghaluin na lang natin para medyo PiNK yung sawsawan ko."

Agad namang tumayo si Yamada upang pagbigyan ang kahilingan ng kasintahan. Hindi naman nagtagal at bumalik din sya dala dala ang nabangit na sawsawan.

Inumpisan na nga ni Chinen ang kanyang eksperimento ngunit bago pa man nyan malagay yung ketchup at bago pa ito maging pink, nag-iinarte na si Daiki.

"Yuck Chinen Mayonnaise. Ano ba yan, hindi naman masarap yan Eeeew~" todo kunot ang mukha ni Daiki habang nakikitang nagsasalin ng mayonnaise si Chinen sa isang lalagyan.

Agad namang nagsalubong ang mga kilay ng prinsesa. "Ang arte mo Dai-chan, eh di WAG kang makisawsaw dito.Nakikitabi ka na lang sa syota ko,kaw pa tong nag iinarte.Ako lang pwedeng mag inarte sa pamamahay na to noh."

Tameme na lang si Daiki. Alam nya kahit kelan hindi sya mananalo kay Chinen.Nakaramdam naman kagad si lover boy kaya sinubukan nyang pakalmahin ang sumpungin syota.

"Yuri relax. Alam mo namang #1 enemy ni Dai-chan ang mayo di ba?"

Nang irap na lang ang bruha "What ever."

Katahimikan.

After matapos ni Chinen ang kanyang mayo dip, kumuha muna sya ng isang sandwich. Isa yung ham sandwich. Kumagat muna sya ng maliit at mukang di sya na satisfy sa lasa. Binuksan nya yung sandwich at pagtapos pinaliguan nya ng purong mayonnaise ang laman nito.

Halos masuka suka na si Daiki. Tinignan sya ni Chinen. Umiwas na lang sya at pilit pinipigilan ang mayonnaise sickness nya.

Kumuha na si taba ng strawberry at susubo nya na sana nang ...

"Yama-chan mas sasarap yan kung isasawsaw mo din sa mayo.."

"You mean strawberry with a mayo dip?" tanong ni Asami.

Ngiti ang sinagot ni Chinen at sinample-an nya pa si Yamada.

"Eeew. Bbllllle~" wa poise na si Daiki. Hindi na talaga kaya ng puso't sikmura nya ang ginagawang pagkain ni Chinen.Nilayo na lang muna sya ni Asami at pinakain na lang ulit ng Pocky.

"Chinen, ngayon ko lang nalaman na mahilig ka pala sa mayonnaise."sabi ni Yuto. Masaya na sya hindi na kasi nagtataray si Suzuka. Gutom lang daw kasi kanina kaya masungit.

"Ha? hindi naman ... masarap lang kasi talaga tong mayonnaise nila Yama-chan."

"Shempre Lady's Choice yan eh."

"Ah yun pala yung masarap." sabi ulit ni Yuto.

"Naman. Kasi diba Lady si Yuri kaya yun binigay ko sa kanya.Yung ang choice nila eh. Getz? Hehe."

"Huh??"

Si Chinen lang nakaintindi sa sinabi ni Yamada kaya hinalikan nya ang pisngi ng syota.

"Ano ba guys, ang SLOW nyo naman."

Panay pa rin ang pamamapak ni Chinen ng mayonnaise. Halos maubos nya nga yung isang garapon, kaya medyo nag alala na sya.

"Yuri..."

"Bakit Ryosuke?"

Pinunasan muna nia ang gilid ng labi ni Chinen na may bakas ng mayonnaise.

"Nag..."

"Hmm?"

Hindi man nakatingin sa kanila ang iba nilang kagrupo, sa kanila naman nakatutok ang mga tenga nito.Lalo na't medyo tahimik na ang kapaligiran at nabawasan na ng maingay.

"Naglilihi ka ba?" matapang na tanong ni Yamada. Sabay sabay namang nabilaukan ang mga kasama. Habang si Umika naguguluhan sa kanyang nararamdaman, gusto nyang mahimatay na ewan.

Napatawa na lang ng malakas si Chinen.

"Yama-chan sira ka talaga." namumula na si Chinen katatawa.

"So hindi ba?" namumula na rin si Yamada. Ngayon nya lang narealize yung tanong nya.

"Hindi no. Ano ba yang mga tanong mo Ryosuke, masyado tayong mapaghahalataan nyan eh Hahaha!" tawa na lang ng tawa si Chinen, epekto ata yun ng mayonnaise.

Makahulugan naman ang tingin sa kanila ni Yuto habang si Umika nagtatakip na lang ng tenga.

-Katapusan-

Salamat sa pag babasa.

Natutuwa lang talaga ako sa OTp masyado silang sweet lalo na kagabi. Bwahahaha. >D

Y: I really, really, really love Chinen-kun.

C: I know~~

sdsjfs;jfs;f

C: Do you know how much I think of you everyday? When I first wake up in the morning, in the middle of class, at work, my mind is just full of you. Our friendship might be ruined if I tell you this, but I want to let you know, I love you.

Y: Then let’s date.

C: Okay, lets go! Let’s start dating on my birthday!

Y: Let’s go out. Your fine with me, right?

Hayop. Sige kayooooooooo na sweet. Shettttttt. <3 ♥♥♥♥♥♥♥

!fanfic index, !yamachii index, ♣yamada is lalabbs, i loveeeee you, in this craziness uncertainty, ♦pairing: daiki/asami, ♣yamada's undying luv 4 chinen/ichigo, ♥yamachii is love, !for public post, ♦pairing: yuto/ohgo, ♦pairing: yamada/chinen, my otp, wala ako sa mood mag-engrish

Previous post Next post
Up