And Maisisilid sa Bulsa

Dec 28, 2008 09:21

ni eugene evasco

Naninilaw nating larawan;
Talutot ng ilang-ilang;
Mga dahon ng santan;
Tatlong malagkit na tansan;
At turnilyong kinakalawang.

Mga tiket ng bus
Nagkadikit-dikit;
Malutong na liham,
Nagkapunit-punit
Mga piraso ng selyo
Hindi pa nagamit;
At songhits na kinupit.

Upos ng sigarilyo;
Pudpod na lapis;
Libagin g bimpo,
(natuyo sa pawis);
Ballpen na iskandaloso
At mga kupas na laso
Ng huling regalo.

Maalikabok na tarheta;
Picture ni Nora;
Malansang pitaka;
Tinuping palara;
At panyong napatakan ng luha,
Nagmamantsa.

Hindi kita maisisilid
sa aking bulsa.

Previous post Next post
Up