minsan, magsulat tayo sa Filipino

Aug 15, 2012 14:16

Mawawala na ang Multiply.  Sana 'di naman mawala ang LJ.  Kahit papaano, gusto ko naman ng baun-baong alaala ng pinakamasayang parte ng college life.  Parang bata lang non.  Crush/boyfriend/iyak-iyak dahil sa heartbreak.  Hahaha...

Ito pala iyong sinasabi ng mga matatanda, "Papunta ka palang, pabalik na ako."  Ayoko pang bumalik.  Gusto ko pang pumunta.  Ang dami ko pang mga pangarap.

Baka bata pa ako.  Wala pa nga akong sariling suweldo e.  Haha, so baka nga bata pa ako.  :)
Kaso iyong mga batchmates ko, matagal nang nagtatrabaho, may mga anak na.  Nag-iisip na tungkol sa pagpapakasal.  Nag-iisip na kung saan mag-iinvest ng tirahan.  So baka hindi na ako bata.

May ibang tao, kahit may anak na sila, may trabaho na, parang bata pa rin.  Kung anong ginagawa nila nung bata sila, iyon pa rin ang ginagawa nila.  Ung tsismisan sa trabaho na ni minsan hindi ko nagustuhan, ginagawa pa rin.  Lahat ng bagay pinapalaki dahil wala nang ibang mapagkaabalahan sa oras.

Iyong ate ko may katrabaho, 70 years old na, nagtuturo ng Espanyol.  Ang masaya raw sa pagiging katrabaho ni Lola ay ung 'di na siya mahilig makipagtsismisan.  Iyon nga ung mas gusto ko e.  Ung mga taong marunong lang mag-enjoy nang hindi nangmamaliit ng iba.  Iyong kahit ano puwede mong banggitin tapos magaan lang.  Sine ba iyan.  Multiple myeloma.  Walang hanggan.  Kahit ano pa, basta walang malisya.

Habang tumatanda ka, mapapansin mo, may ibang napapag-iwanan ng panahon.  Iyong mga gumagambala sa kanila dati, iyon pa rin ang iniisip nila.  Doon nabubuo ang hang-ups.

Ayokong magkahang-up.  Medyo mas matanda na ako pero feeling ko, bata pa rin ako.  Baka iyon iyong feeling nang walang hang-up.  Parang ito na pala iyong gusto ko.  :)
Previous post
Up