meteor shower

Dec 11, 2008 12:12




last monday nag-apec kame nila rai, kukay, kit, tox, edge at maica. saglit lang yun pero masaya lalo pa't andaming bulalakaw. marami tuloy akong nawish.

madami as in tumingin ka lang sa isang lugar for about 2 mins, may makikita ka nang 3 bulalakaw. madalas sabay pa namin naiispatan ni rai. ISAPTED! marami na yan considering maulan nung gabing yun. natatakpan pa ng ulap ang kalangitan. at totoong buhay ito, di gaya nung sa meteor garden na oa na sa karamihan.

kaya naman pala ganun e malapit sa earth ang 3200 phaeton. isang extinct-slash-dormant. (di pa nila sigurado kung ano ba talaga.) na comet. dati akala nila asteroid kase yung particles na humihiwalay dito (a.k.a. shooting stars) ay katulad ng properties ng isang asteroid, ngunit ang orbit nito ay katulad nung sa isang comet. kaya daw nagkaganon e dahil sa dormant na nga itong comet kaya nag-accumulate ng interplanetary dust particles.

anyway, tuwing december daw itong kakaibang pangyayari na ito. kaya naman pala maraming bulalakaw nun. pero, ang pinakamaraming bulalakaw na lalabas (like 140-160 per minute) ay ngayong darating na dec 13 at 14. di ko lang alam kung bakit. baka dahil mas malapit and comet sa earth sa mga panahong yun.

geminids and tawag sa kanila dahil mas makikita mo daw ang mga ito dun sa bandang constellation ng gemini.

tara mag-shooting star-gazing/bulalakaw-hunting! baka may agimat. o baka may sakay na genie. tapos wish tayo ng maraming-marami. dec 13 at 14 yung peak. nagsisimula ng 10pm pero mas maraming lumalabas pag past 2am na. lez go! maganda sa apec sabay partey. hehe :)

yun lang, di ko pa alam kung saan ang constellation ng gemini.

Previous post Next post
Up