1104 sa La Salle Lipa

Mar 20, 2009 00:41

March 14-15, 2009

Niyaya kami, ang banda kong 1104,  ng La Salle Lipa na tumugtog para sa kanilang prom. Nung una ayaw ko e... hahahaa!

Sobrang daming kanta ang pinag aralan namin dahil dapat umabot 2 oras ang tugtog namin. E dahil meron na nga kaming Paul Balaoing, pwede na kami mag RnB tulad ng "Closer" ni Neyo. Taenang kanta yun... Hindi talaga ako nakikinig ng mga ganun pero okay na rin. WAHAHAHA! Dahil hindi bagay o mahirap sa violin yung ibang kanta, nag peperc ako. Inaalog ko yung itlog at nag tatambourine din. Para mas makulay yung tunog. Haha!

Grabe si Jar! May lagnat pa rin e paalis na kami! Humirit na ng, "Sige kayo na lang.. *ubo-ubo* Di ako pinayagan ng nanay ko." Pero nung malapit na kami umalis.. Himala! Nawala lagnat! WAHAHAHA! "Sayang talent fee e. WAHAHAHA!!"

Ang gwapo ng pangalan ng driver namin.... BONITO!!! Woooh! Haha! Ang bait niya sobra. Kahit na minumura niya yung mga ibang kotse na gago mag drive. Hindi siya yung tipo ng driver na tahimik lang. Makwento rin siya.

Buong biyahe namin ay tumatawa ako mag isa. Nanunuod kasi ako ng Borat sa ipod ni Paul. Sorry na pero dun ko lang siya napanuod. HAHAHA!

Pagdating ng Lipa, ang sarap tumayo! Normal na ulit ang daloy ng dugo sa pwet ko! WAHAHAHAA! Nakilala namin si Br. Richie. Tapos dinala kami sa aming malaking kwarto. Siyempre bininyagan namin agad yung mga kama. >:) wahahahaaha!

Nagkwentuhan kami konti tapos nag ayos na ng mga piyesa. Tapos nung naayos na yung mga piyesa, nag practice na kami. Sa bilis ng oras, malapit na kami tumugtog! Edi ligo agad tapos bihis. Tapos kain.... Balik sa kwarto.. Hintay konti.... Tapos game na!!!!

Pagdating namin dun, ang wild na nila!!!! Dumudugz-dugz na sila e! Tapos biglang upo at tutugtog na kami. Sabi ko kay Jar, "Parang patalo tayo ah." HAHAHAA! Pumapalakpak naman sila pero nakaupo lang yung iba sa kanilang mga upuan. Nung mag slow music na kami, ayun! Niyaya ni Dino na sayawan ng mga lalaki yung kanilang errmmm.. Tumayo naman yung mga uto-uto! JOKE! PEACE! HAHAHA! Nakakatuwa at sumayaw sila sa gitna. Inaabangan ko yung titigan, yakapan, at halikan.. >:) Matapos ang isang oras na pagtugotg, balik kami sa kwarto..... Pahingaaaaaaaaaa.......

Sa sobrang pagod ko, nanuod ulit ako sa ipod ni Paul ng HOUSE. Tapos ilang saglit... Tulog... hahaha! Tapos nagising ako dahil nag jajamming sila. Inggit ako. Baka daw kakantahin na yung Kahit Kailan ng Southborders. Tapos nakapa ko yung solo part ng Sax. Ayun game na yung kantang yun! Bahala na kung ano mangyari! Tapos nag dagdag pa ng ibang songs. Galing! haha!

1am na! Ayos ng damit at buhok! 2nd set na! Pagbalik namin dun, sumasayaw na naman sila! May grupo ng mga babae na nagpapabati pag tutugtog na kami. Aba! May pabati pa kami! Asenso! hahahaha! Tapos balik na naman sila sa kanilang mga upuan... Tapos bigla tinawag yung "1104"!!! Potek takbo kami ng stage! Parang pasikat lang amp! hahaha! Edi tugtog ulit...

Grabe! Ang saya ng 2nd set! Kasi sumasayaw na sila lahat sa gitna! May isang kanta kami, Seasons of Love. Akala ni Dino hindi bebenta... Pero hindi! Sobrang bumenta sa kanila! Gumawa pa sila ng isang malaking bilog at nakikisigaw ng, "SEASONS OF LOOOOOOOVE!!!" Theme song pala ng isang section yun. Basta ang saya makita na nagsasaya sila sa gitna habang tumutugtog kami.

4am natapos ang kanilang prom. Napagod kami sobra pero nagkayayaan pa uminom. Di pa nauubos yung bote, umayaw na sila Migz, Jar, Raffy, at Dino. Nag 1 on 1 muna kami ni Paul. Sayang lang hindi ko siya nalasing dahil suko na rin ako. Sobrang babagsak na mata ko. Hahaha! Natulog kami ng 5am.

8am nagising ako. Tapos naligo agad at lumabas para mag shoot! Tagal ko na hindi nakakapag shoot ng mga landscapes. Pandagdag ko na rin sa aking collections. hehe!

Pagkatapos namin mag breakfast, niyaya kami ni Br. Richie at Br. Arian na mag lunch sa lugar nila. Astig! Pinatikim nila sa amin ang crispy pata at ang masarap na SISIG ng LIPA. Di ko na ilalabas yung mga napagusapan namin dun. Pero astig na Brothers sila. HAHAHA!

Dahil sumosobrang haba na to... Titigil na ako. Sobrang natuwa talaga ako sa tugtog na yun. At natuwa rin naman sila sa amin. Kayaaa..... Sana maulit muli. hahaha!

Previous post
Up