Nagyaya si Richard na magkita-kita kami sa ATC. Dapat nung Dec. 28 kaso bawal ako nun. Buti na lang pumayag sila na sa Dec. 29 na lang.
Umalis ako ng bahay mga 12pm. Nag meet kami nila Richard at Vincent sa Mt. Mcdo. Potek! Tagal ko na hindi nakapunta ng Alabang! AHAHAHA! Tapos hinintay namin si Kevin. Nung nakarating si Kevin, kumain na agad kami sa ATC. Potek... Hindi pa rin nila nakalimutan yung "sampal"! Pag hihirit ako, mag titinginan silang tatlo tapos sabay sabay nila akong sasampalin! WAHAHAHAHA! Daming kwentuhan!
Tapos nagpalinis ng kotse si Kevin. Habang hinihintay matapos ang paglinis sa kotse ni Kevin, nagdota kami. Mga talunan! Bano niyo! Ang ganda ganda ng score ko nagpapakain lang kayo?! WHAHHAHAAHAHA! Talo tuloy kami. Tapos kinuha namin yung nalinis na kotse at nagpunta sa bahay ni Kevin.
Pagdating sa bahay ni Kevin. Iiwan lang sana yung kotse ni Richard at Vincent tapos aalis na. E uhaw na uhaw ako.
ako: "Kev painom muna tubig."
kev: "Wag na! Walang tao jan."
ako: "Sige na saglit lang..."
*binuksan ni kev yung bahay. uminom ako ng tubig*
*paglabas ko, inabangan pala ako ni gago! binaril ako ng pellet gun!!!!
rich & vince: "WAHAHAHAHHAAHAHA!"
kev: "Masakit?"
ako: "Gago ka pala e. Subukan ko sayo."
*binigay ni Kev yung baril sa akin*
*BANG!*
kev: "Hindi naman e."
ako: "Ah ganun?"
*BENG!*
*tapos kinuha ko yung shotgun*
ako: "Eto..."
Nung ikakasa ko yung shotgun, tinamaan ko yung lalagyanan ng Pellets!!! NATAPON LAHAT!! WAAAA!!! Tawa ng tawa sila Vincent at Richard. Samantalang si Kevin naman, hindi mo maipinta yung ukha pero natatawa! 2000 piraso daw yun! =)) =))
eto vids:
1 - SORRY NA!!!2 - Wais si Kevin!3 - Sa Hagdan4 - Pagbukas ni Kevin ng vacuum cleaner Kevin: "Kasalanan mo to Mizel!"
ako: "Kasalanan mo! Dapat hindi mo na lang nilabas yung laruan ni Khyle!"
Vincent: "Kasalanan ng nanay niyo! Dapat hindi na kayo pinanganak!"
Richard: "WAHAHAHAHAHAHAA!"
Tapos laro ulit kami ng Dota hanggang mag dilim. Tapos inuman sa Parañaque nung gabi. Tapos inuwi si Kevin.. Tapos tinuloy namin yung inuman sa tapat ng Festival Mall. Basta masaya.. Wala na ako maalala na maikukuwento. Basta panalo yung sa bahay ni Kevin. HAHAHAA!