Aug 21, 2009 03:44
Nung isang araw napanaginipan ko si MPQ, ang president ng company na dati kong pinagtatrabahuhan na nagkataon, half brother ng mommy ko so technically uncle ko sya. Never ko siyabg nakilala until nung pumasok na ko sa company na yun, at bihira rin kaming mag-usap nung nagtatrabaho pa ako dun. Pareho siguro kaming naghihintay na kausapin bago makipag-usap. I guess ang pinakamahaba na naming pag-uusap ay nung nalaman niyang magreresign na ako after 3 years.
Anyway, yung panaginip ko, nagsimula sya na may isang malakihang marathon at nasa assembly ako. Nakita ko syang naglalakad (nag-oobserba?) na may hawak na baston--sa totoong buhay, nakakapag-lakad siya ng maayos at hindi kailangan ng baston. Sa panaginip ko, habang naglalakad siya nung malapit na siya sa kinatatayuan ko, nadulas siya at nalaglag. Tinulungan ko raw siya tumayo nung makita ko at pagtapos nun nagpasalamat siyang naka-smile at hinalikan niya ko sa noo na parang lolo ko siya--in reality siguro may 1 in 1 million chance na gagawin nya to dahil hindi naman kami close at bihira nya lang akong pansinin.
Next scene, naglalakad kaming dalawa at naguusap tungkol sa buhay-buhay. May nadaanan kaming isang malaking painting at nakwento niyang dati rin siyang nagpipinta bago sya maging corporate person at eventually maging isang presidente ng isang kumpanya. Hinangaan ko siya kasi narating niya yung full potential ng career niya, at ang sabi niya naman naghirap rin daw sya at nagsimula rin sa mababang posisyon bago niya marating yun. Tapos tinanong ko sa kanya, ano ba ang sikreto niya sa success? Ang sagot niya sa akin, basta raw ang ibebenta mo o yung gagawan mo ng negosyo, yung ginagamit ng tao araw-araw, yung common at hindi nawawala ang demand. Tas sa gitna ng mga pag-uusap namin, hinahalikan niya talaga ko sa top ng ulo na parang natutuwa siya sakin. Ang weirdo, ang labo, pero masaya ang pakiramdam na parang masaya at malalim yung pinag-uusapan namin. At parang dun ko lang din siguro na-feel na kamag-anak ko siya.
Ewan ko ba kung bat ko siya napanaginipan, pero totoo parin hanggang ngayon yung paghanga ko sa kanya sa dedication nya sa trabaho at sa tuloy-tuloy na pagbibigay niya ng fresh at mahusay na ideas sa company.
At sa pagkukumpara ko sa sarili ko, naniniwala akong lahat ng ginagawa ko sinusubukan ko talagang ibigay lahat-lahat ng kaya ko to the point na minsan pinapahirapan ko rin yung sarili ko, para lang ma-achieve yung best ko, kahit na madalas ang reality ay marami pang nakakagawa ng better sa best na naibibigay ko nang hindi nahihirapan.
Kung sa totoong buhay ay barely magkamag-anak kami, parang minsan nafi-feel ko rin na that's something we have in common, dedication sa trabaho. Kahit na siguro yung dedication ko, wala pa sa kalingkingan ng dedication na naibibigay niya sa trabaho niya.
Siguro naiisip ko lang din siya kasi magre-retire na siya at partly nasasayangan ako sa company dahil isa siyang malaking kawalan hindi lang para sa kumpanyang yun kundi sa buong advertising and tv industry. What will become of the industry post-MPQ? It will never be the same and I believe na sa future, people will always go back and compare what it was like in MPQ's time. Pero partly rin, natutuwa ako para sa kanya kasi magkakaroon na siya ng panahon para ma-enjoy yung fruits ng labor niya. Enjoy his life at lahat ng blessings na dumating sa buhay niya.
Pero anyway, sino nga ba ako para magbigay ng opinion sa buhay niya? Masaya na rin siguro ako na kahit sa panaginip lang, na-feel ko kung paano maging kamag-anak ng isang katulad niya na hinahangaan ko.
la lang