Poem: Pagkakataon

Jul 01, 2008 22:23


This was a poem made for our Filipino err nu nga ulit yun XD Impormal na sulatin yun diba? Ah, basta...actually sort-of dedicated to my crush na rin yan...XP

Pagkakataon

Araw-araw pinagmamasdan

Ang iyong bawat kilos at galaw.

Gabi-gabi ay napapanaginipan

Ang pagsinta mo s’akin, mahal.

Minimithing makapiling ka

Kahit man lamang makausap ka

Kahit isang sulyap, isang tingin

Ako’y iyong mapapasayahin

Ngunit ang buhay ay pabago-bago

Mga di-inaasahang pangyayari

Bigla ko na lang nalaman

Ako’y kailangan nang lumisan.

Kaya ako’y nagmumuni-muni

Kailan ko kaya maipapahiwatig

Bago mahuli ang lahat

Masasabi pa kaya ang nararamdaman?

tabier, poem, pchs, pagkakataon, newee

Previous post Next post
Up