BETTER LATE THAN NEVER

Sep 30, 2008 00:47


PRE SUPER SHOW MOMENTS






Bakit ngayon ko lang naisipan na gawin to?!

Kasi tinotopak ako ngayon at gusto ko maalala lahat ng mga nangyari in case na magka amnesia ako one of these days..

para medyo madalin ako sa pagkwento maglalagay ako ng mga pictures at dun ko na lang sisimulan..

July 12, 2008 ng umaga.. Sa sobrang excited ko nakalimutan ko na one hour ahead pala ang Pinas at dahil ndi ko na inadjust yung time sa phone ko, ginising ko sila Mitzi ng mas maaga.. LOL.. Ayun, medyo mahaba haba yung oras namin kaya umalis muna si Lotus at ate Doris para magshopping shopping.. Ako naman nanood na lang at nag-ayos ayos.. Dahil sa standing area yung ticket naminan gusto namin sa tabi talaga ng stage. mga 11 kami umalis ng hotel via taxi.. Akala ko naiwan ko yung ticket ko kaya medyo nagpanic kami, buti na lang ndi pa namin pinapabalik yung driver sa hotel..


Mula dun sa hotel, mga 30- 45 minutes yung biyahe papuntang Impact Arena.. Ang nakakatawa dito, nung nakita nila Mitzi at Lotus yung sign na yan nilabas kaagad nila yung camera, samantalang nilabas ko naman yung wallet ko para makapag bayad na.. LOL..



Binili ko to dun sa mga nagbebenta sa labas ng arena..  Andami nilang binebenta.. name plates, lightsticks, binoculars, larnyards, fans, pins, mga phone accesories,etc.. Buti na lang nakapagpigil ako, kundi Sabado pa lang ubos na pera ko..



Pag pasok namin ng arena ganito na kadami ang tao.. Daming fangirls!!! as in girls!! my kasama pang mga parents na chaperon.. at mga naka personalized suju shirts pa sila!! Bongga mga kids!



The SME booth.. Sa unahan dun ibinebenta yung mga concert goods at sa side naman yung mga albums.. Akala ko kaparehas lang ang price ng mga goods sa Korea at Thailand kaya ndi ko dinala lahat ng pera ko pero dinoble nila.. Kaya yun shirt lang at album yung nabili ko.. Photo book wait for me!!



12 noon pa lang nasa 2nd group na kami ng line napunta.. Siguro mga 9am pa lang nakapila na sila.. Dahil 5 hours pa ang hihintayin namin, si Mitzi at Lotus medyo nag-ikot ikot at bumili ng food.. Ako.. ayun, naka upo lang at nagmamasid..



Pag pasok mo ng venue, makikita mo na kagad tong stage ng 12plus.. Nung una pinicturan ko rin yung ibang solo pics pero binura ko din nung nasa loob na kasi naaksayado ako sa memory.. Nagka event dito, dance contest at kung ano man na ndi ko naintindihan nung nakapila na kami.. Ang mga bonggang fangirls nagbihis at nag-ayos ng parang mga suju boys at sumayaw ng U.. Akala ko nga nung una mga lalaki talaga sila kasi sa malayo ko lang sila nakita..




Ah.. The Heechul name card.. My nakatabi kami sa line na 2 Japanese obasan.. Medyo nagamit ang nihonggo skills ko.. 2 sa pinaka addict na nakilala ko sa concert.. Pumunta sila sa Korean concert at sa Japan fanmeet/card exchange tapos ayun sumugod din ng Thailand para manood ulit.. 3 nakuha niyang card, si Hae, Wookie at yan.. Yung 2 pinahiram niya sa amin pero yang card na yan, ayaw ipahawak.. love na love niya yang card na yan, syempre hinawakan ba naman si Chullie eh..Hahaha.. Kwento niya si Sungmin talaga pinaka sikat sa Japan, kasi nga magaling mag nihonggo.. SUGOI DESU NE!






Couples galore!!!! Sobrang tuwang tuwa sila sa mga pairing.. Sa mga magazines, posters,etc.. Meron pa nga kami nakita na fanfic na BOOK(softbound) ng KIHAE.. Kada my dadaan yung mga banner ng mga couples parang dumaan talaga yung mga boys sa sobrang lakas ng tili nila!! Kaya nung mga bandang huli nakitili na din kami..KIHAE IS REAL..LOL..





My isang bunch ng Thai ELF na matiyagang pumunta sa bawat group ng line para  mamigay ng pompoms/ribbons at magpractice ng mga chants at songs..  OHEYO!!!





Mga bandang 3pm.. Merong ibang fans na pumunta sa gilid.. Kami walang paki kasi nanonood pa kami ng sumasayaw na fangirls.. After 10 mins nagkakagulo na yung kalahati ng population ng nasa arena! Hala takbo! dala ng mga placards!! Based on their expressions malapit na dumating yung mga boys!! Dahil medyo malapit naman dun kami sa area, nagpa demure effect kami, tumayo lang sa pwesto at tinitignan ang mga tao.. Tapos nagtilian na sila!!  Dumating na sila!! Anjan na yung bonggang bus!!!



Mga Singapore fans with their light boards... Akala ko ba bawal ang mga boards?! Ndi tuloy kami nagpagawa ng ganyan at pinagtiyagaan kong gawin yung glow in the dark(as in total darkness) shirt..




Mga 5 nagsitayuan na yung mga tao.. 5:30 kasi bubuksan yung gates at pwede nang pumasok.. Nagkkwentuhan pa kami nun.. Mga 5:30 nga my nagsalita, tapos hala nagkagulo na! nag unahan na yung mga bata papunta sa gate..nawala na yung linya!! Mga 30 minutes na siksikan at tulakan muna bago sila napakiusapan na magline ng maayos.. Nakaisip ako ng paraan para makapasok ng mabilis at ndi ka nila harangin habang nagsasalita sila, "ENGLISH PLEASE" ..



Pinalabas nila yung CF ng 12plus nila Siwon at Yamaha ng Golf and Mike ng paulit ulit..



Kung alam lang namin na ganito kaluwag yung area sana medyo late na kami pumunta.. Sa ss3 rin pala sila Mela kaya may nakausap din kami.. Dito lang din namin nakilala sila Holly, narinig kasi nila kaming nagtatagalog kaya lumapit sila.. Ayun, ang Philippine delegation nasa gitna nagkkwnetuhan..

Tapos mga 7, puno na yung arena.. Pinatay na yung ilaw.. Umpisa na!! AAAAAACCCCCCKKKKKK!!!!

Previous post Next post
Up