ambilis ng panahon.

Dec 05, 2005 20:18

kagabi habang nagbabasa ako ng readings para sa paper sa dev biglang may narinig akong tunog ng lata, maracas at mga tinig ng batang kumakanta. tas nagulat ako at medyo nagtaka kung bakit may ganon. parang na-slow ako ng malupit tas biglang it dawned on me, december na pala. panahon na ng caroling. parang hello duh anlapit na kaya ng pasko.

anubayan dalawang taon ko nang di nararamdaman ang pasko. ibig kaya sabihin non tumtanda na ako?

***

grabe, last year halos limang friends ko ang kinasal na. tapos ngayon, andami pa sa kanila (na ka-age ko lang, meron ding slightly older) ang ikakasal next year. exage. ambilis ng panahon. dati puro teks, marvel cards, stationeries at stickers lang ang pinagkakaabalahan. tas naging sleepovers. tas naging inuman nights at gimmick nights kasabay ang out-of-town trips. tas puro kabastusan na ang nalalaman hahaha. tas dati mga kiddie birthday parties lang ang inaasikaso. alala ko nun hirap na hirap pa akong pumili kung anong party package ung kukunin ko sa mcdo. may carnival, outer space ekek themes pa sila. tsaka mascots. eh katabi lang ng kostka (grade school ko) ung mcdo non so ansaya. tapos non di kami mapagkandaugaga ng bestfriend ko sa kakalista ng 18 candles at 18 roses namin. tas habang naglilista kami, mga 16 yrs. old palang yata kami, excited eh.

parang kailan lang ganon lang yung ginagawa niyo. tas biglang may magsusulputan parang kabute na mga binyag at kasal doon at dito. sana wala namang mga annulment sa lalong madaling panahon. basta ambilis talaga. andami ng transitions. tas parang ansaya lang manood sa paligid. sa lahat ng nangyayari. na parang kinukwento lang ito lahat sa iyo. o kaya napapanood mo lang sa tv.
Previous post Next post
Up