Talk with Dad on the way to the Airport

Sep 02, 2009 08:01


"Bakit ka ba late ulit umuwi? Wala ka na bang respeto sakin?"

"Sorry Dad. Sinusulit ko lang ang stay ko dito."

"Ano ka ba naman kuya. Pagdating mo dun, tama na yang pinaggagawa mo. At yung savings mo, wag mo ibigay kay Mom."

"Ingatan mo si Aldrich, ha Dad. Pagpasensyahan mo na."

"Putek. Di ko maintindihan ang kapatid mong yan. Nakakasakit ng ulo. Ayaw makinig."

(Nakikinig naman siya sakin ha...) "Pagpasensyahan mo na lang, tatanda rin siya..."

"Ingatan mo rin si Arianne..."

"Sabi ni Ate LJ na 7 years old na si Arianne, hindi pa rin siya marunong magbasa at magbilang."

"... Eh, di ko naasikaso e."

(ang sarap mong sapakin Dad) "Ano ba yan Dad, Hindi pwede ang ganyan..."

"Siguro ang pinaka-regret ko lang Dad ay never ko nakilala si Arianne..."

"Sana balang araw mapakilala mo na sakin."

Nasa terminal na kami.

"Sige. Ingat ka, anak. Paalam."

dad, plane, manila, family, immigration

Previous post Next post
Up