Pakapalan ng Mukha: April 26-27, 2008

May 01, 2008 20:06




Exhibit A. Ang Costume Climb.

- Isang uri ng akyat kung saan ang lahat ng kalahok ay dapat magsuot ng damit na di karaniwang pinang-aakyat. Kadalasan ang damit na ito ay hindi praktikal at dahil dito ay nagiging katawa-tawa.

- Isang pakikipagsapalaran na nangangailangan ng malikhaing isip at makapal na mukha.




Ano nga ba ang maaaring suotin sa Costume Climb?

Isang halimbawa ay ang kasuotang tuwirang kabaligtaran sa pupuntahan:




Dahil aakyat ng bundok, magsuot ng pandagat.

Maaari ring magsuot ng ayon sa pupuntahan:




Dahil aakyat sa kabundukan, ipapakita ko ang tunay kong anyo.

Maaari ring pagsabayin:




Dahil aakyat ng bundok, career na ito!

Ngunit huwag pigilan ang isip! Kung nais talaga ang kakaibahan, maaaring pumulot sa ibang kultura:




mula sa Distrito ng Pulang Ilaw,




o sa mga paaralan,




kahit pa sa nuno sa punso.

Maging masusi sa pamimili ng damit! Ito ang itatayo mong sagisag habang umaakyat.




Sapagkat ang pag-akyat ay parang isang giyera




na nangangailangan ng matibay na loob,




mabilis na pagkilos,




at maliksing katawan.

Sa akyat na ito, maraming dapat alalahanin:




1. Magdala ng kamera. Maraming pwedeng mangyari.




Pwede kang habulin ng baka,




o kaya makakita ng 6-legged starfish sa ilalim ng dagat.




2. Field trip ang pag-akyat. Magbaon ng sapat




upang hindi mangailangang mang-agaw.




3. Bawal din pala ang makipag-away.




Baka magalit si Nanay,




pag sinumbong ka ni Yaya.




4. Maging kumportable sa sariling balat.




huwag lang magkaroon ng sugat.




5. Makinig sa bilin ni Nanay,




kapag sinabi niyang bantayan si Bunso,




kapag sinabing huwag maging mahalay




dahil wholesome ang akyat na ito.




6. Mag-ingat sa pagtawid.




Magdala ng salbabida kung kinakailangan.




7. Don't talk to strangers,




only to your friendly sago't gulaman vendors.




8. Huwag maging madrama,




maraming




maganda




sa




mundo.




9. Panatilihing maayos ang buhok.




Ngunit huwag mag-alala dahil marami namang mahihingan ng panali.

10. Higit sa lahat,




maglaro




magsaya




magwala




mag-wild




mag-dive




at mag-bonding




sa Costume Climb!

Photo credits: feelingphotgrapher.multiply.com, ceravi.multiply.com, rairocks.multiply.com, papster.multiply.com, mofransisco.multiply.com, brwnskin.multiply.com, theironmaidendiaries.multiply.com

anilao, summer, loyola mountaineers

Previous post Next post
Up