Unang Bahagi
Matapos ang ilang linggong pasikut-sikot sa iba't-ibang sulok ng Pilipinas, ako'y muling nagbalik upang ibahagi ang aking mga naging karanasan - mula sa araw na matapos ang aking mga klase noong Marso hanggang sa ika-7 ng Abril.
MARSO/ MARS/ MARCH
17-19 Marso 2008
Seniors Climb: Isang munting pabaon para sa mga Seniors mula sa Loyola Mountaineers. 17 na mag-aaral kaming umakyat sa Mt. Anawangin sa San Antonio, Zambales.
--> Simula ng 7 oras na paglalakad sa lahar, buhangin, lupa at bato. Wala kaming silong mapagpahingahan kaya...
...heto kami, halos mamatay sa init
at pagod
...pero okay lang, kasi naabot din namin yung peak. Finding Emo man kami, buti nga't may mukha pa kaming naiharap sa kamera. Medyo nagtagal kami sa peak kaya ginabi kami ng dating sa camp. Wala akong maipapakita ng mga pangyayari nung una (at ikalawang) gabi kasi lahat ng tao tamad kumuha ng litrato at warak.
Sa tatlong araw ng pananatili namin sa Anawangin, may isang katangian ang lahat ng Seniors: nocturnal.
Ang ganda ng beach sa umaga diba?
pero bakit walang Senior?
eto ang kasagutan.
Pero nagising naman kami...
para mag-almusal...
mananghalian...
at matulog uli.
Ngunit pagsapit ng hapon, buhay na buhay kaming lahat!
Sa ganitong kagandahan ba naman di pa kami magising?
Sa mga ganitong pangyayari, di ba kami mapapatingin?
Sa mga isdang bihira namin makita at mahawakan sa siyudad, di ba naman kami ma-eengganyo?
Ikalawang gabi: wala talaga (pramis! 'sensya na lang na wala talagang kumuha ng litrato, magpakwento na lang kayo sa mga seniors na sumama)
Pero may mga nagising naman agad para kumuha ng mga napakagandang larawan gaya nito...
ito...
ito...
ito...
at ito (pine trees sa puting buhangin, san ka pa?)
Ngunit kailangang matapos ang kuwento,
kaya't kami'y naglayag pabalik (wala nga lang layag)
upang may maiuwing kuwento para sa inyo.
[Katapusan ng Unang Bahagi]
Credits: wackymansy.multiply.com, matsuman.multiply.com
Climbers: Mansy, Carmela, Nana, Denise, Marty, Anne, Ana, MikeTan, Julian, Drew, Cesar (TeamLeader), Allan, Matt, Pepe, Carlito, Alvin, Raffy!!!