Hmm, kakaiba ang simula ng bagong taon ko. Di ko na kasama ang appendix ko. Ngunit sa kabila ng lahat, di ko ito malilimutan (iisa lang naman kasi ang appendix ng tao at sino ba naman ang naiinlab dito? -- no offense sa mga mahal ang kanilang appendix).
Dec. 28, 2007 - Sa mga unang sandali ng araw na ito, makikita akong naglalaba. Namamasko sa kamag-anak ang mga kasambahay namin, kaya bilang mababait na anak, napilitan kaming tumulong sa gawaning-bahay. Kinagabihan, lumabas kami ng mga kaibigan ko upang ipagdiwang ang kaarawan ko.
Dec. 29, 2007 - Sa mga unang sandali ng araw na ito, naglilinis ako ng silid-aklatan sa bahay. Biglang tinamaan ako ng dysme... dios mio! dysmenorrhea! At akala ng nanay ko na nagsasakit-sakitan ako para makaiwas sa trabaho. E hindi nga ako marunong umarte, paano ba yun? Buti binigyan ako ng gamot, ngunit sa kasamaang palad di agad nito nalutas ang problema. Pagkaraan ng isang oras, sinusuka ko na lahat ng sama ng katawan ko. Dinala ako sa ospital, ginamot ang dysme... at biglang may appendicitis na pala ako. Ang saya.
Nilipat ako sa isa pang ospital, at doon pinagpasyahan na Appendectomy ang nararapat sa kalusugan ko.
1:00 am - nagising ako at nasa recovery room. Kakaiba ang naramdaman ko, di man lamang ako nagwala dahil di ko alam kung nasaan na ako. Para bang nagising ako mula sa isang malalim na tulog at wala lang sa akin na di mo agad maalala ang mga nangyayari.
Dec. 31, 2007 - nakauwi na ako, sa kabutihang palad. Ngunit di ako natuwa ng media noche kasi jelly stix lang ang kinakain ko (pinagbawal ang "solid food" ng 1 linggo) habang isang malaking bilao ng palabok ang humahalina sa harap ko. Huhuhuhu... iyak... iyak... iyak...
Jan. 5, 2008 - Sabado. May munting salu-salo sa bahay ng kaibigan. Mula 7pm hanggang 7am ng Jan 6, 2008, kumakain at umiinom lang ang mga tao. Grabe, nag-piyesta kami (haha! pwede na akong lumamon muli!) sa iba't-ibang klaseng fondue, keso, alak (as in wine talaga na Merlot, Cabernet Sauvignon, Semillon, Champagne... waaaaaaaaaahhhhhhhhhh!!!!!!!!!!!), baby potatoes, SASHIMI!!!! Ang sarap ng gabing iyon...
Jan. 13, 2008 - Ngayon. Kakaibang pakiramdam ng kaligayahan ang nararamdaman ko. Para bang may isang malaking sulo ang tinanggal sa tagiliran ko. Hinang-hina ako nung nakaraang taon, tinatamad, sinisira ang buhay, nagpapakasabog. Dahil siguro sa appendix ko na nagmamakaawang, "Carmela, gumising ka na! Tama na! Mabuhay ka! Paano na ang kinabukasan mo- HEP!(gets niyo?)" na ako ngayon ay parang freshman na pinakawalan sa unang araw ng eskwela.
MABUHAY ANG MGA WALANG APPENDIX! (at sa mga nagtataglay pa nito, ingatan niyo ito o pwede ring ipatanggal niyo na... malay niyo...)
Mga pinagkakaguluhan:
Nodame Cantabile!!!! j-drama all about music (don't want to say anything more! :D) (www.sarsfansubs.com - download torrents here!!!! hahaha, sorry for trumpeting such underhandedness, but how else can you see this without paying an arm and a leg?)
Mogwai - nyahaha, sa Cubao Shoe Expo, watch all the indie films for free, screening every 9 pm
animal plushies!!! - bahagi ng bagong buhay ko, napag-tripan ko ito habang naglilibot sa deviantart.com