Rumaragasang puson

Feb 27, 2009 11:52

Rumaragasang regla.

Wala akong dysmenorrhea, pero may hindi kumportableng pakiramdam pag unang araw mo ng buwanang dalaw. Tapos kasabay ng dugo, rumaragasa ang mga emosyon. Sabay-sabay. Pang- Arkham Asylum inmate ang dating. Sa loob ng 24 oras, nakaranas ako ng saya, sobrang saya, pagod, lungkot, gutom, asar, pikon. Ibang-iba ang pakiramdam nitong lahat pag may regla ka. Kasi damang-dama mo.

Para kang naka IV-drip ng upper at downer sa magkabilang braso, pota.

----

My five minutes of disheartening. Definitely not the reaction that I expected. But I love you still~ *glomp*

----

Dahil may regla ko, napipikon na ko. Isa na lang, isa na lang, isa na lang. Jackpot na. 349 million. Sana tumigil na, kasi wala namang ginagawa yung tao, talagang ipipilit pa. Wag nang muling ibalik. Sa susunod na nakitawa na ko, tunay na bayagan na magaganap.

---

Ang linaw ng langit kagabi. Kita yung sparkle ng mga bituin. Tumanga lang ako sa labas ng bahay, pinanood yung pag-sparkle. Wow. Ito ang masaya pag nakatira ka sa bundok - bubong mo ang langit. Payapa, malamig, tahimik. Dahil naka-skirt ako, hindi ko maakyat yung bubong. Dati kong gawain ang pumunta sa bubong para makaapak ng tae ng pusa mag-stargazing. Dahil babalik na ang dog days, ibabalik ko uli ang dating gawain.

---

News just in. Naluluha ako habang tinatype ang entry na 'to. Bakit. D:

---

I thought today was Monday, and what's best about this is that it's not. That cheered me up immensely. Simple joys often come from a shift in perspective, the collapse of
expectation, acts of sodomy, etc.

---

Ayan. Magpapalit na ko ng napkin. Itatanggal ko na ang masamang dugo sa sistema ko. Regla, you make me feel so schizo. Hindi ko ma-take ang flurry of emotions na ito, whoo! Sana kayo din magka-regla. Lalala.

wtf, life

Previous post Next post
Up