E, as in exposure. Excited na kong mapa-develop yung pangalawang film. Sana maayos na talaga. Kailangan kong makita yung mga resulta para makabili na ko maraming film sa susunod. Excited na rin akong bumili ng flash. Sana meron doon at sana gumana talaga. Ang gastos pero ok lang, isa naman to sa ilan sa mga kasiyahan ko sa buhay. Nakakainis pag sinasabi ko yung mga ganitong bagay parang tama na nakakadiri haha. Pero gusto ko talagang punuin ng litrato yung isang corkboard ko o kaya yung pinto na lang ng banyo ko para mas maraming space.