yoopee internet users

May 07, 2007 19:49

for psych 195, our group needed to survey current UP students about their internet usage...shempre ang group namin, nang marinig ang "via chat", sumigaw na at nagtaasan ng kamay. sa three kasi na pagpipilian (forum, e-mail, chat), yung chat na yung easiest na makakuha ng respondents. haha i'm sorry madaya kami. sa chat kasi pwede mong kulitin yung person haha. wala silang takas!!!

okay lang naman yung experience ko..natapos ko kaagad sya in one day (nakapanood pa ako ng spiderman3 at naglakwatsa sa lagay na yan=D). nakahanap pa nga ako ng 7 respondents...pero but no, na-delete ko yung file nung isa..stoopid. eh nakakahiya naman kasi yung status nya *busy* pero kinulit ko pa sya, eh kung kulitin ko ulit na magpa-send ulit lalong nakakahiya na. anyway, at least sumobra ng 1. hehe.

dahil current UP students yung respondents, purposive sampling kami. but no, naging combined purposive and convenience yung akin, hehe. YM lang yung ginamit ko na chat software, tapos I IM'd people in my messenger list. oh diba convenient talaga.

okay yung sa chat kasi as i said, pwede ka mangulit ng tao. yun nga lang, meron talagang hindi magrereply sa yo.=D blackhole experience ito! buti na lang marami na akong UP friends.=p tapos pag may hindi sila na-fill-up-an, pwede silang i-message kaagad. pero marami pa ring may missing na answers sa data namin..ako kasi, ayoko tingnan yung sagot nila pagkasend pa lang..haha may tinuro si ma'am capulong sa 115 eh, basta wag mo kaagad tingnan yung data kasi gagawa ka kaagad ng interpretations chorva. it's baaaad. chaka parang mas magiging hindi honest sila sa pag-answer kasi alam nilang mababasa mo kaagad. wala talagang mag-ch-check sa "engaging in cybersex" na choice, kasi malalaman mo pagkabukas nung sinend nila na file. basta alam nila kasi na mababasa mo. mas may presence kasi ng researcher(?).

hmm, tapos ang hirap kasi nung isa naming direction. nakalagay kasi doon, i-highlight yung most frequently engaged-in online activity nila. eh yung iba siguro hindi alam yung highlight na button sa Word, so pwede ring mali yung directions namin. dapat siguro yung sabi namin ibahin yung font color, o kaya gawing bold. nagka-problem rin dun sa part na yun eh. kasama kasi dun sa choices is using search engines sa activities online. may isa doon na hindi nag-X dun. ako naman parang nagduda, mayroon ba talagang tao na never pa nakagamit ng search engine sa buong online life nya??? para sa akin kasi inevitable talaga na magagamit mo yun. tapos wala lang, ang fun kasi marami sa kanila ang nagsabi na yung chatting is the most frequently engaged-in online activity nila. medyo biased siguro ito kasi yung pool namin is mga chatters..tapos may direction pa kami na magbigay ng programs na ginagamit nila, so shempre halos lahat YM ang sagot. may misrepresentation ng YM chatters! and of course, dahil marami sa amin ang psych, marami rin ang people from psych na sumagot.=p

yung naisip ko lang, dun sa most frequently engaged-in online activity ng people, subjective yung sagot nila. minsan kasi may choices dun na di mo napapansin na mas lagi mong ginagamit. example na is yung using search engines. hehe wala lang.

kung gagawin naman namin yung sabi sa class, magddrop na lang ako..haha joke! kamusta naman kasi yung kunin ang chat accounts ng bawat currently enrolled UP student, at mag-random sampling mula doon. siguro dapat mas nagtiyaga ako at pumunta sa mga chatroom para at least masasabi ko na random yung respondents na nakuha ko.

ang masasabi ko lang, mahirap magresearch online. hahaha.

P.S. siguro ipopost ko yung results dito na lang. ma'am chei, pwede bang sa weekend na lang yung results?=p
Previous post Next post
Up