Ang Sampung Muni-Muni ni MM Guinto sa 3 ng umaga (Kaya ata MM ang nickname)

Sep 11, 2009 03:10

1) Meron lang talagang bagay na magulo, at maayos na yun ng lagay na yun, kasi pag pinakialaman mo pa at gumawa ka pa ng paraan para ayusin yun ang resulta e mas magulo pa. Sakit sa ulo.

2) Mahirap pag nasanay kang hindi kaagad makita ang bagay na gusto mo kasi lagi mong hinahanap ay ang pinakagusto mo, minsan kasi yung pinakagusto mo ay nandiyan nga sa harap mo kaso mali naman na magustuhan mo ito. Maging kuntento.

3) May mga bagay na inayawan mo na at dumating na ang oras na bibitawan mo na ito, pag dumating na pala yung oras na bibitaw ka na may pakiramdam pa palang matitira na gusto mo pang hawakan ito.

4) "Hindi mo man lamang isinangalang-alang" Tama ba ang spelling? Sinabi yan ng isang taong nabigla sa nangyari -- kasi inakala niyang hindi siya inisip ng taong malapit sa kanya nung gumawa ng desisyon ang taong yun na makakaapekto sa kanila. Nakakabigat ng loob.

5) "Naalala mo ba nung una tayong magkakilala sa may Starbucks sa Bluewave". Isang halimbawa ng pagbabalik tanaw. Nangyayari yan pag ang taong hindi mo akalain na magsasabi niyan ay hindi matanggap ang nangyaring paglisan sa taong napalapit sa kanya. Nakakalungkot.

6) "pls." ang shortcut ng please. Kaya nagkashortcut kasi kahit busy ang tao, basta may kailangan siyang iparating na importanteng mensahe gagawa at gagawa ng paraan yun. Nakakataba ng puso.

7) Siguro dapat wag kang magsalita ng tapos lalo na pag ang kausap mo ay yung taong ayaw mo naman maging tapos sa buhay mo. Kasi baka mamaya, sa kakasalita niyo ng tapos sa isa't isa e makita niyo sa huli na kayo pala dapat ang may magandang umpisa. Magisip bago magsalita.

8) Madaling tumingin ng positibo sa lahat ng bagay, kaso minsan kakatingin mo na positibo ang lahat -- natatakpan na ang realidad at nabubuhay ka na pala sa isang mundong masaya nga pero halos imbento lang ang lahat. Reality check always.

9) Habang inaamin, habang unti-unting sinasabi ang katotohanan, nakakagaan daw yun ng loob kasi wala ng sikreto na itinatago. Hindi ito applicable sa lahat, minsan kakaamin mo ng isang bagay na mali, lalong lumalala ang mali na yun, lalong lumalalim ang pag-gawa mo ng mali na yun kasi gumaan na ang loob mo kaya nakakayanan mo itong ipagpatuloy. Maging totoo muna sa sarili at isiping mabuti bago isiwalat sa iba.

10) Heartless. Kanta yun at hindi ako yun. yeah right hahaha!

life analysis, facebook old post

Previous post Next post
Up