kung sulatan ka ng ganito..

Jun 17, 2009 11:56

kung sulatan ka ng ganito? magagalit ka ba o matatawa?

"The following is a letter found at a certain bar in Manila and has been preserved in its original, unedited form. Enjoy reading and you may try direct translation in Tagalog, 
IF YOU CAN..

************************************************************************************************************ ( Read more... )

Leave a comment

postulatedruler June 30 2009, 17:23:10 UTC
lalaban ako! ITO OH:

"Anak,

Medyo mabagal akong magsulat ngayon dahil alam
kong mabagal ka ring magbasa. Nandito na kami sa
Estados Unidos para bantayan ang bagong biling bahay ng kapatid mo.
Pero hindi ko maibigay sa iyo ang address dahil dinala ng dating nakatira
ang address para daw hindi na sila magpalit ng address.

Maganda ang lugar na ito at malayo sa Manila.
Dalawang beses lang umulan sa linggong ito,
tatlong araw noong una at
apat na araw noong pangalawa.

Nakakainis lang ang mga paninda dito katulad nun
nabili ko na shampoo dahil ayaw bumula.
Nakasulat kasi "FOR DRY HAIR" kaya hindi ko
binabasa ang buhok ko pag ginagamit ko. Mamaya ay
ibabalik ko sa Walmart at magrereklamo ako.

Noong isang araw naman ay hindi ako makapasok sa
bahay dahil ayaw bumukas ng padlock. Nakasulat kasi
ay "YALE", eh aba namalat na ako sa kasisigaw ay hindi pa din
bumubukas. Magrereklamo din
ako sa nagbenta ng bahay, akala nila hindi ko
alam na SIGAW ang tagalog ng "YALE",
wise yata ito!

Mayroon nga pala akong nabili na magandang
jacket at tiyak na magugustuhan mo. Ipinadala ko na sa iyo
sa "Federal Express" medyo mahal daw dahil mabigat ang mga
butones kaya ang ginawa ko ay tinanggal ko na lang ang mga butones at inilagay
ko na lang sa bulsa ng jacket. Ikabit mo na lang pag dating diyan.

Nagpadala rin ako ng tseke para sa mga nasalanta
ng bagyo, hindi ko na pinirmahan dahil gusto ko na
maging anonymous donor. Nakakahiya naman kung
ipagkakalat ko pa.

Ang kapatid mo palang si Jhun ay may trabaho na
dito, mayroon siyang 500 na tao sa ilalim niya. Nag-
gugupit siya ngayon ng damo sa memorial park, okey naman ang kita
above minimum ang sahod.

Nakapanganak na rin pala ang ate baby mo, hindi
ko pa alam kung babae o lalake kaya hindi ko pa masasabi na kung ikaw
ay bagong uncle or auntie.
Wala na akong masyadong balita. Sumulat ka na
lang ng madalas.

Love,
Mama

p.s. Maglalagay sana ako ng pera, kaya lang ay
naisara ko na ang envelope. Next time na lang ha.."

Reply


Leave a comment

Up