alamat ng high heels..

Jun 03, 2009 01:15

 dahil tinaggal nila, dito ko na lang ipopost.. 
(bitter-bitteran ako!! mwuhahaaha!!)

Mga bata, dumampi na ba sa inyong mga isip kung saan nagsimula ang high heels o sa filipino, takong? (tinatanong talaga ang mga bata tungkol sa takong)

hindi pa? pwes ang e-engot niyo!! maupo nga kayo dyan at ibabalandra ko, (sabay tawa ng demonyo)

noong unang panahon, hindi pa buhay si Anita Linda, (tanggal na noh? ancient artifact na kasi si Anita Linda eh.. also, shout out to Jarvis!! Anita Linda in the house!) ay may takong na so babalik pa ulit tayo sa mas unang panahon.. eto na!!

noong sobrang unang panahon, nauso sa mga intsik ang maliliit na paa. Nagsusuot sila ng mga sapatos na bakal upang tumupi ang mga daliri sa paa at maging maliit, mas maliit mas maganda. Sa pagiging "in" ng paa noon, (imagine, paa ang naging basehan ng kagandahan noon? aba, kung mukha ka pa lang paa dapat dun ka nabuhay sa era na yun!) hindi nagpahuli ang mga sinaunang tao (mas nauna pa kay Anita Linda) sa pilipinas at ginawa din batayan ang paa sa kagandahan..

Sa isang liblib na tribo sa Davao na pinaghaharian ni Reyna Thee-Jan, naging batayan ng kagandahan ang paa. Para sa kanila, mas makapal ang kalyo sa sakong, mas maganda. Halos lahat ng babae, kanya-kanyang kuskos ng paa sa kung saan-saan kumapal lang ang kalyo. Mayroong nag-iisang anak si Reyna Thee-jan, si Prinsesa Pha-Valan. Si Prinsesa Pha-Valan ay isang inggetera at mahaderang bata. Ayaw niyang may lumalamang sa kanya lalo na sa kagandahan. Sa araw-araw na ginawa ni bathala, pinapakuskos niya ang sakong niya sa semento. Isang araw, nagkaroon ng paligsahan, beauty contest baga. Sa sobrang sabik ni Prinsesa Pha-Valan na manalo, naglagay siya ng isang kahoy sa kanyang sakong at tinapalan ito ng polyetylene para magmukhang balat. Hindi inaakala ni Prinsesa Pha-Valan na walang makakapansin nito kaya nagalit ang ibang tao at ipinapako sa kanyang sakong ang kahoy. laking sisi ni Prinsesa Pha-Valan sa kanyang ginawa ngunit walang makatulong sa kanya. hindi na nila matanggal ang kahoy sa kanyang sakong. isang araw, dumating si Pinocchio at Geppetto. Nakita nila si prinsesa Pha-Valan at tinulungan ito. gumawa si Geppetto ng sapin para sa kanyang buong paa at idinugtong dito ang kahoy sa kanyang sakong. Naging mas komportable ang lakad at galaw ni Prinsesa Pha-Valan at nagpasalamat ng bongzz kay geppetto. mula noon nauso na ang sapatos na may kahoy sa sakong. noong una, ang tawag nila dito ay "tangakad-sakong" hanggang naging "tangakong" at ngayon, kilala na ito bilang "takong".

Ang kwentong ito ang naging inspirasyon nila Jimmy Choo, Manolo Blahnik at Christian Louboutin. ito ang nagpasimula sa kanila na ituloy ang sapatos na ginawa ni Geppetto para kay Prinsesa Pha-Valan.

-END-

alamat, high. heels

Previous post Next post
Up