Naniniwala ako na dadating ang panahon na ang pagpapatawad at pagmamahal ay ang lunas sa dami ng sugat at hinanakit na nakabaon ng malalim sa puso... dahan dahan. Hindi pwedeng madaliim. Pero di rin dapat umasa lamang sa oras... Kailangan gawin ang lahat ng makakaya patungo sa liwanag. Kung maaari lang haplusin ang puso para mapabilis ang paghilom, di magdadalawang isip, gagawin agad. Ang bawat tao ay binigyan ng kapangyarihan upang ituwid ang sariling buhay at maging tunay na masaya. Walang masarap na kahahantungan kung hindi dadaan sa butas ng karayom. Walang katapusan na dapat mauwi sa pait at kadiliman. Lahat tayo... Ay bibigyan ng pagkakataon na tuntunin ang lugar na puno ng ligaya.
Pipiliin. Pipilitin.
Hindi susuko.
Karapatan ang kaligayahan.
Sayo ito. Sa akin. Sa ating lahat.
***
nagmamasid-masid.
Kahit na nasa malayo.
Naghihintay at nakaalalay.
Di man kita. Di man halata.
Naibigay na sa iyo ang lahat ng kailangan mo para gamitin sa wasto.
Ang buhay natin. Di madali.
Wag ka matakot magsimulang muli.
Wag ka matakot humingi ng patawad.
Wag kang matakot magpatawad.
Mahal na mahal kita.
Pamilya tayo.
Akap ng mahigpit.
Kaya mo yan.
Andito lang ako.
Sa tamang panahon.
Sa tamang oras.
Wag bibitaw ha.
Huwag.
Nandito lang ako.
Nagdadasal para sayo.
Posted via
LiveJournal app for iPhone.