balik lj...

Sep 26, 2008 04:27

madami akong natutuklasan ngayon
mga totoong bagay
mga totoong totoo

hindi na marunong magsinungaling sa sarili
hindi marunong magtago ng dinadamdam

totoong babae na
totoong tao na lalo na sa sarili.

may mga tao sa paligid na nagmamasid paminsan
pero di na pwedeng matibag ng konting hangin ang naitayong sarili sa gitna ng lahat.

masaya, dahil nahanap ang katotohanan.
malungkot dahil hindi pa tapos ang mga hinanakit
puno ng pag-asa sa pagpapatawad sa sarili.

hindi pa panahon ng pagkalimot.
sa sakit, sa hirap ng dinanas
hindi pa panahon ng pagpapatawad sa mga taong naging bahagi ng mapait na nakaraan
pero naniniwalang may hangganan din
ang galit, galit , galit.

di na nagmamadali.
hindi na minamadali
ang sarili, ang oras, ang buhay

nirerespeto bawat kirot
bawat luha na di maiwasan paminsan dahil sa galit.
nirerespeto ang nakaraan

nakikita na ang patutunguhan
malayo pa pero mararating din
dala dala ang lahat ng baon na masasayang alaala
dala dala ang pagmamahal sa itinakda

may bakas ng ngiti sa mga panaginip na akin, amin, atin.

pero kita pa rin sa guhit ng palad ang sadyang dinaanan patungo dito
sa ngayong kinatatayuan
sa ngayong kinatitindigan

pipikit muli.
titingala sa pangako ng kahapon
pipikit muli
hahayaang dalhin ng hangin sa landas na para sa akin
Previous post Next post
Up