WAR AND JOURNALISM IN THE AGE OF FACEBOOK LIVE

Jun 07, 2017 16:38


Ganito kasi yun. So nag-embed ka sa tropa sa Marawi, kasa-kasama ka kahit saan sila pumunta. Sa trabaho kasi ng mga yan tsong, either side, parating nakaabang ang kamatayan. Pero properly trained ang mga yan. Ikaw ba can you say the same? But presumably me helmet at flak vest ka naman, at sinusuot mo naman. At na-brief ka naman siguro kung ano-ano ang mga dapat at kailangan mong gawin para di madisgrasya.
So eto na. Mahilig tayong lahat mag-selfie e. Kasi nga embed, so sikat. The update to end all updates. Ayun tayo e. Pero sana naman wag ka sa gitna ng kalsada manguha ng selfie. Kasi di naman namimili ang bala e. So hug the wall ka din pag me time. Iwasan ang line of sight ng sniper. Dun ka sa gilid, sa lilim, at kung tatawid ka ng kalsada, tumakbo ka naman, wag yung parang nag-malling ka lang. Yuko saka sprint, para lumiit ang target at di abutan ng bala. Hindi yun over ha, life and death situation yun. Like yung pagsama mo nga din sa tropa.



Metal coffins of dead soldiers are offloaded from a military transport plane and into a truck at Laguindingan airport, north of Marawi

Tas eto na. Pinabayaan ka na ngang mag-selfie. Pero kelangan ba talagang mag-Facebook Live ka? Na naka-background ang ginagawa nilang combat operation? Ikayayaman mo ba ang mag-ATM? Juicekolord! Di ba pwedeng saka mo na lang i-upload pag wala na sila dun?
Ganito kasi yun. Yung mga kalaban ng mga yan social media-savvy. Mahilig ding mag-Facebook. Tas mga homeboys sila, so pag me makita lang na karatula, landmark, at kung ano, alam na nila kung saan yun. E kung i-Facebook Live or ATM mo ang mga tropa habang sumusugod o kumukubli, e di parang sinabihan mo na din yung kalaban kung saan at paano sila tirahin? Para ka na ding nagbigay ng grid coordinates para patamaan sila ng mortar round o para mahanap sila ng sniper. Gets mo? Alam mo ba kung ano sabihin ng coordinates?



Sniper's line of sight; little or no protective gear. See where the soldiers are, by way of comparison

Saka hindi lang ang mga sundalo ang pinapahamak mo pag ganun. Pati mga ibang media na din saka sarili mo. It’s the equivalent of calling in an air strike on yourself. Naisip mo ba yun? Unless pakawala ka ng kabila.
Yung mga tropa naman di ka pinipilit na kumampi sa kanila. Ayaw nga nilang sumama ka kung tutuusin kasi pabigat ka na aalalayan pa nila. Gusto lang naman nila patas ang laban, yung meron silang chance at completing their mission and getting back home alive. Ang babata kaya ng mga yan. At kakarampot ang sweldo nila. Sa mga squatter area nakatira karamihan sa mga yan if you don't know. I'm sure kung meron lang better opportunities or kasing yaman ng mga parents mo ang mga magulang nila, baka di rin sila magsunsundalo.
Umayos tayo tol.
Previous post Next post
Up