Feb 26, 2009 06:45
Sa mga hindi pa nakakaalam, ang Midnight DJ ay isang comedy-horror show starring Oyo Sotto, Desiree del Valle, Jenny Miller, at isa sa mga matalik kong kaibagan na si Ronald "Juaqui" Tupas. Mapapanood nyo sya tuwing Saturday, 8pm sa TV5.
Nagsimula ang lahat ng mabalitaan namin na si Mr. Tupas ay na-cast sa show na ito. Tuloy-tuloy na lumiit ang mundo nang makilala ko rin ang isa sa mga executive producers nito na si Miss Angie through another friend, Jourdan. Nung New year, kasama ko si Ronald sa Tagaytay na nakwento nya nga nagsusulat na rin sya ng script para sa susunod na episode nila ng MDJ. Biniro ko sya na baka kailangan nya ng guest, pwede ako.
Fast forward...
First week of January, nakatanggap ako ng text mula sa isang "Tita Chuchi" na taga-MDJ. Tinatanong nya ako kung available ako ng Wednesday ng week na yun para sa shooting ng isang episode ng MDJ. Sabi ko, "Of Course!". Sabi nya na ang magiging role ko daw ay kaibian at contact ni Oyo.
"Wow! ka-eksna ko yung bida!"
Hiningi rin nya yung address ko kasi papadalhan daw ako ng script.
"Wow! Artista na talaga ako! Pinapadalhan na ako ng script!"
Pagdating ko sa location, maaga ako, wala pang tao, maski crew wala pa. Nagtaka tuloy ako, inisip ko na baka panaginip ko lang pala yun. Nagtanong ako sa mga tao dun kung may shooting na mangyayari, at tama ang hinala ko.... late sila.
Ilang minuto ang nakalipas, habang pinapanis ko Cleveland Cavs sa aking PSP, biglang dumating ang iba pang guests. Nagulat ako na kasama rin pala ang 2 pa sa mga kasama ko sa B.I.T.A.W., sila Reinier at Noelle. Masaya kaming nagkwentuhan habang hinihintay ang buong produciton.
3pm calltime ko... 2:30pm ako dumating... 2am na-shoot ang eksena ko, and it only took us one take (approx. 5 mins) to shoot that scene. 11hrs30mins akong naghintay, pero hindi ako napagod sa kakahintay kasi the whole time kakwentuhan ko lang ang cast and crew. Masaya ako kasi sa lahat ng guests that episode, ako lang ang hindi namatay, which means pwede pa ako bumalik hehehehehehe (evil but cute laugh).
Backtrack ng konti...
Nung October ng 2008, may sinulat akong theme song para sa isang major-release film na comedy/horror din, pero for some reason, hindi na ako nakakuha ng sagot sa kanila.
Balik sa kwento...
Patapos na ang January ng padalhan ko si Ronald ng 2 sa mga kanta ko para iparinig sa staff ng MDJ at baka sakaling interesado sila na gamitin sa show. After 2 weeks, sinabi ni Ronald na interesado daw sila dun sa isa, yung kantang sinulat ko para dun sa pelikula na hindi naman ginamit.
"Yesss!!!!! Whew......buti na lang!"
May mga konting revisions lang, gusto nila gawing mas pop pa ang areglo, wala naman akong problema dun. Pinadalan ko sila ng kopya ng revision at naghintay. Ilang araw makalipas, nakatanggap ako ng text from them at gusto daw nila ako makausap kasama ng director at mga executive producers. So gumawa ako ng 2nd revision at dinala ko yun sa meeting. Mas nagustuhan nila yung huli kong ginawa.
Kakatapos lang ng radio guesting ko sa 97.1 LSFM ng tumawag sakin si Miss Angie, yung isa sa mga E.P. ng MDJ at sinabing "go" na daw yung theme song. Pinag-usapan pa namin ang presyo, nang magkasundo kami, nag-set na kami ng schedule for recording.
Fast forward uli...
Naka schedule na ilabas ang kanta sa premiere ng 3rd season ng MDJ, kasabay ng bagong OBB at mga cast nila. Nung Tuesday, kinontak uli nila ako, tinanong nila kung pwede akong mag-score ng AVP ng MDJ para sa presscon nila the following day. Ang dilemma was rush yung project nayun kaya kelqngan kong magtrabaho dun sa studio nila sa BigTop, so kinailangan kong dalhin yung buong set-up ko sa office nila para mas mapabilis ang proseso. Masaya silang katrabaho kaya hindi rin ako nahirapn sa project na yun. Actually, habang ini-edit pa lang yung video, sinuimulan ko nang gawan ng music para mas mabilis.
Natuwa naman sila sa resulta kaya masaya akong umuwi ng 3am nun.
The following day, may surprise party kami para sa kaarawan ni Ronald, organized by his lovee, Jana. Dun sya ginawa sa BigTop office. Nagperform kaming B.I.T.A.W. as part of the program at regalo din namin yun kay Ronald. Sinabihan ko ni Oyo na ang galing daw nung ginawa kong kanta, ang lakas daw ng recall. Sobrang tuwa ko nng marinig ko yun!
I am very thankful that I was blessed with the experience of working with the cast and crew of Midnight DJ and the people of Big Top Productions. This was definitely a very good way to start the year.
Bow,
Miko Pepito