test

Jan 03, 2009 14:32

Nanonood ako ng TV nung isang gabi nang makita ko ang bagong station ID ng ABSCBN Channel 2 habang hinihintay kong dalawin ako ng antok. Ang sabi ng station ID, matutupad ang hiling sa kapamilyang kapiling.

Siyempre alam ko namang ang kapamilyang tinutukoy sa tagline na iyon ay ang mga taga-channel 2. Pero hindi ko mapigil maisip ang sitwasyon ko noong gabing iyon: galing ako sa trabaho, kumain ako ng hapunan mag-isa, at ngayon, nakahiga sa dating kama ng tatay ko at nanonood ng telebisyon mag-isa.

I’ve been living alone now for almost 7 months now, since my family left for the States. I’ve been living alone, only with 2 askals which I hate feeding and a stray cat (whom my sister loves so much) who every morning would try biting my big toe should I refuse to pat its head and stroke its coat. It has already been seven months since I last heard actual people’s voices waking me up in the morning.

When I tell my friends that I live alone, I always get responses like, “ayos ah!” or “yehess, independent living!” Oo, sige, siguro masaya nga ang mabuhay mag-isa kasi wala kang iniisip na ibang taong naghihintay sa’yo sa bahay kapag umuuwi ka nang gabing gabi na. Siguro masaya nga.

Noong una.

Mabalik tayo sa station id ng ABSCBN. Matutupad ang hiling sa kapamilyang kapiling.

A typical Noche Buena for my family includes, a reunion of my mother’s side of the family at my lola’s house somewhere in Pasig, a very big volume of macaroni salad (our family’s specialty) good for the entire Cruz clan - us 27 cousins, 8 couples, and my grandmother - a quarrel over what time should my family leave the house and what time should we go home from the reunion.

Hindi nakukumpleto ang pasko ng pamilya ko nang hindi nag-aaway kaming magkakapatid. Pero lagi’t laging pagpatak ng alas dose, pagdating ng pasko, magkakaayos kaming lahat. Masayang-masaya naming bubuksan ang mga regalong bigay ng mga ninong at ninang, ang sobreng bigay ni Lola, at sabik na sabik kaming tutungo sa hapag-kainan para simulang ubusin ang mga masasarap na pagkaing dala ng mga kapatid ng aking nanay.

8 years ago, my mother died of cancer. It was the day Simbang Gabi began that year, December 16, 2000. I was only 14 years old then - a 2nd year high school student studying for my Math LT (which I really didn’t know how I passed because of the stress brought about by the events).

Nilibing namin siya sa Libingan ng mga Bayani dalawang araw bago ang pasko. Ngayong binabalikan ko ang taong iyon. Hindi ko maisip kung paano nakayanan ng pamilya ko na magpaskong masaya.

It was still the typical Christmas Eve. The reunion. The food. The Gifts. Everything.

Nanaig pa rin ang ligayang hatid ng mga ilaw, ng Christmas Tree, ng mga awiting pamasko, ng pagsasama-sama ng pamilyang minsan lang sa isang taon magkita.

Habang pinapanood ko ang station ID ng ABS-CBN, hindi ko mapigil maisip kung paano ako magpapasko ngayong taon.

I dreaded having to go through dinner during Christmas Eve because it meant having to argue with my siblings, about a topic we argue about every year.

Pero mukhang mas pipiliin ko nang magpaskong ganoon na nag-aaway kaysa magpasko ngayong taon nang nag-iisa. Siguro nga hindi ko nakita ang biyaya ng aking mga kapatid hanggang nakaalis na nga sila at paparating na ang isang araw sa buong taon na nagpapaalala sa lahat ng pamilya nina Hesus, Maria at Jose.

May mga bagay ngang hindi mo nakikita kung gaanong kalaking biyaya hanggang kunin sa iyo at ilayo sa iyo ang mga ito.

Subukin nga nating balikan -

Kumusta ang mga paskong nagdaan kasama ang pamilya mo? How were your past Christmases with your family?

Sigurado akong hindi perpekto ang mga pasko natin. Hindi ang paskong napapanood natin sa mga pelikula. Eh ganoon talaga naman ang pamilya - may mga bagay na hindi napagkakasunduan, laging may mga bagay na pinag-aawayan.

But admit it, we always, always look forward to this season. Kasi kahit papaano, masaya. Aminin mo.

Manalangin tayo.

Lord, we praise and we thank you for all the blessings that you’ve given us - for all those which we’ve realized and those which we have not.

Salamat po sa pamilyang ipinagkaloob ninyo sa amin - sa lahat ng away, sa lahat ng kasiyahan at sa lahat ng pagdurusang nararamdaman at mararamdaman namin sa habambuhay naming pagsasama.

Panginoon, malayo sa perpekto ang mga pasko namin. Pero nagpapasalamat po kami sa mga pagsubok na ibinibigay ninyo sa amin, dahil dahil sa mga ito, lalo naming nararamdaman ang ligayang dala ng pagsilang sa iyo. At dahil sa kaligayahang ito, nakakayanan naming lampasan ang lahat ng mga pagsubok na ito - at lumago bilang mga tao.

Panginoon, malapit na ang pasko. Malapit na ang kaarawan mo. At sa panahong ito, nawa’y maalala namin kung paanong nanatiling isa ang pamilya ninyo, sa kabila ng lahat.

Remind us that there is always reason to be happy during this season - dahil nga isinilang ka.

Panginoon, nawa’y itulot mo na, ngayong pasko, higit sa kahit aling araw ng aming buhay, lubos ka naming makita, higit ka naming mahalin at buong lugod kitang sundin.

+

Previous post Next post
Up