Dec 08, 2008 10:28
Bumibili ako ng gulaman sa Kiss: The King of Balls UST Branch nang makarinig ako ng isang nagtatakang boses ng isang tindero.
Ang sabi niya, “Ba’t ba walang pasok ngayon? Anong meron?”
May sumagot sa kanyang isang customer na parang ka-close na ng mga tindera doon, gawa ng mukha rin siyang tindera.
Ang pagmamarunong na sagot ni Ate, “Ano ka ba!? Immaculada Concepcion! Birthday ni Mama Mary! Hindi mo ba alam yun?!”
Pagkakuhang-pagkakuha ko ng gulamang binili ko. Tumakbo ako papalayo papunta sa kotse para makatawa nang malakas.