PANIRA NG TULOG *originally posted at blogspot*

Apr 26, 2008 23:11

DISCLAIMER: you know how they say, love is not enough. i believe in that. which is so contradictory of me, because i also believe that love can conquer all. have you ever been in love and realized that love is not enough to sustain that relationship? that even after every thing that you have done, it seems things are not enough? i was about to sleep already but this story wont let up and i just had to write it down. it doesnt make sense because, i dont make sense, but i wanted to post it anyway. also, i have this tendency to write as the boy bida or the male character in the story most of the time. i know i know, it doesnt make sense, its so unsensible its on the brink of kapangitan, but just indulge me :D ps. im also not so very good with filipino words, kaya medyo paulit ulit yung words na ginagamit ko :D

hawak kamay kaming naglalakad sa may dalampasigan, sabay na inaalala ang nakaraan - ang mga nakakatawa, nakakaiyak, nakakaloko, nakakahiya, nakakabobo, nakakatakot, nakakatuwa at lahat ng nakaka - kahit gaano man kasama o kaganda, mga bagay sa kahapon pareho naming tinatawanan, sabay naming binabalikan.

"naalala mo," tanong niya, "para tayong mga batang pinagbabawalan magrelasyon, tinatago pa natin sa lahat, hindi naman bawal, para tayong mga tanga," sabay tawa niyang pagaalala.

"e naalala mo nung mahuli nila na tayo na pala? ikaw kasi, di mo mapigil ipagkalat sa buong mundo na mahal mo ako," sagot ko naman sa kanya.

"sira," palaro niya akong sinuntok, "ikaw din naman a! mahal mo din ako."

"di lang mahal, mahal na mahal," lakas loob kong sagot sa kanya. ngumiti lang sya.

oo. mahal na mahal ko siya. wala pa akong minahal, at palagay ko nga e wala na akong iba pang mamahalin katulad ng pagmamahal ko sa kanya. pero totoo yata ang sinasabe nila na minsan di sapat na mahal mo ang isang tao. di sapat na nagmamahalan lang kayo. nitong mga nakaraang araw, di talaga kami magkasundo. kung iisipin mo ngang mabuti, di lang pala ng mga nakaraang araw, matagal tagal na din palang napapadalas ang aming mga pagaaway. mula sa maliliit na bagay tulad ng di mahanap na hikaw, ubos na toothpaste sa banyo hanggang sa saan dapat kumain para di gaanong magastos. nakakaloko na nakakatawa, parang di namin kilala ang isa't isa at pati mga maliliit na bagay ay pinagmumulan ng di namin pagkakasunduan. di lang dun natatapos yun, makailang ulit na rin kaming naghiwalay dahil sa mga tampuhan at away saming dalawa.

sa mga ilang sandali ay nangibabaw ang katahimikan sa aming dalawa. may mga ngiti pa rin ang aming mga labi at halatang naghihintayan kaming magsalita. ako na sana ang babasag ng katahimikan ngunit di ko pa namumutawi sa aking mga labi ang nais kong sabihin, tumakbo sya palayo sa akin, patungo sa isang bagay na halos natatakpan na ng buhangin. sinundan ko sya. nakaluhod sa buhanginan, sa kanyang mga palad, isang maliit na ibong nagaagaw buhay.

"pano naman yan nakarating dito," tanong ko.

""hindi naman importante kung paano sya nakarating dito, hindi mo ba nakikita? nahihirapan na sya," sagot niya sa akin. lumuhod ako sa tabi niya at sinilip ang nanghihinang ibon sa kanyang mga kamay. "kelangan natin syang tulungan, nahihirapan na sya. mukhang di na nya kaya," sambit nyang nakatitig sa kanyang palad. ewan ko ba. alam kong ang ibon ang tinutukoy nya, pero di maalis sa isip ko na parang kami, ang naghihingalo naming sitwasyon pa rin ang pinaguusapan.

"bat di nalang natin iwan? hayaan natin. baka sakaling makayanan naman niyang ulit lumipad," pagpipilit ko sa kanya. pagpapahiwatig sa dapat naming gawin sa aming dalawa, hayaan ang sitwasyon at subukan ulit.

umiling siya. "di na nya kakayanin. baka nga makalipad syang ulit kung pipilitin natin, pero saglit lang. mapapagod din sya at tuluyan nang di makakaangat."

tumayo ako mula sa tabi nya, lumakad palayo. di ko sya kayang tignan, di ko kayang makita sya habang sinasabi ang mga salitang iyon. "bat di muna natin hayaan? subukan muna natin, baka naman kaya nya. baka naman, baka di naman.."

"palagay mo ba, di nya na sibukan?" tumaas ng kaunti ang boses nya. "Paano ba naman siya nakarating dito kung di na niya sinubukan? hindi naman siguro sya mahihirapan ng ganito, maghihingalo kung di nya sinubukan, kung di nya binigay ang lahat para subukan.."

katahimikan. tama sya. tulad ng ibong iyon, sinubukan din namin. sinubukan din naming lumipad. sinubukan din naming magmahal at magmahalan lang. perot tulad ng ibong iyon, hindi na rin namin kaya. pagod na rin kami. pagkatapos ng lahat, eto nga kami, sinusubukan ayusin kung ano mang meron kami, sinubukan sagipin kung anong nanganganib mawala samin.

gusto ko sabihin sa kanya na hindi - na kaya pa namin. na kakayanin pa namin. pero alam ko na alam naming pareho na pareho lang kaming masasaktan, lalo lang namin masasaktan ang isa't isa. sinubukan namin talaga. pero dito na talaga ang ending naming dalawa.

hikbi. humarap ako sa kanya at nakitang may luha ang kanyang mga mata. umiling siya. ang munting ibon sa kanyang mga kamay ay wala nang buhay.

inabot ko ang aking mga kamay at iniligay nya sa aking mga palad ang wala nang buhay na munting ibon. "sinubukan niyang lumipad. maging matayog. pero sa mundong itong maraming kalaban, sa lupit ng tadhana, sa mga hirap na kinailangan nyang harapin, hindi nya nakayanan. sinubukan nya talaga, pero sadyang mahirap," pagpapaliwanag ko sa kanya, sa mga paghihirap ng munting ibong kanyang iniiyakan. pagpapaliwanag ko para sa aming dalawa. isang pagsusubok na pagpapaliwanag sa pareho naming nararamdaman, sa di namin pagsambit, pero sa aming pagpaparaya. sa aming pagbitaw sa buhay namin na magkasama.

tumayo siya, sabay punas ng luha. "sinubukan talaga niya. sinubukan niya," paguulit nya. ako naman ang tumango, takot na bigkasin ang mga salita at magpaliwanag na naiinitindihan ko ang gusto nyang ipahiwatig.

muli ko syang tinalikuran at tumitig sa palubog na araw. isang magandang tanawin ang backdrop (shet di ko alam ang tagalog ng backdrop) ng isang malungkot na pagpapaalamanan. huminga ako ng malalim, pilit na nagpipigil ng luhang nagbabantang pumatak, "mauna ka na sa cabin, ililibing ko nalang muna itong.."

niyakap nya ako mula sa likuran, "sinubukan talaga natin marco. sinubukan talaga natin." naramdaman ko ang kanyang mga luha sa aking likuran, halos mabilang ang bawat angat baba ng kanyang mga balikat kasabay ng mga hikbi niyang di mapagkakaila. tumango muli ako at saka siya bumitaw.

unti unting humihina ang kanyang mga iyak, senyales ng kanyang palayong paglalakad. di ko pa rin siya nililingon. takot na makita siya at habulin siya, magmakaawang subukan namin kahit isa pang huling pagkakataon. isa pang huling subok.

di ko na maalala kung saan ba talaga nagsimula ang lahat ng alitan at ano ba ang tunay na dahilan basta nitong mga huling linggo hirap na kaming magsama ng maayos. oo, mayroon pa rin masasayang panahon tulad ng hawak kamay sa dalampasigan, pero di ito nagtatagal. bukas makalawa, di malayong nagsisigawan na naman kami, nagbabantaang maghihiwalayan. at kahit pa masakit, kahit pa mahirap at kahit na mahal pa rin naman talaga namin ang isat isa, di na makakabuti samin ang magsama pa. lalo lang kaming mahihirapan. lalo lang kaming masasaktan. at ayaw ko na siyang masaktan. ayaw ko na siyang makitang nahihirapan, makitang umiiyak.

oo therese, sinubukan natin. sinubukan talaga natin. pero di talaga yata nakalaan ito para sa atin. ngunit gusto kong malaman mo na minahal kita. mahal na mahal."

naintindihan nyo?! ako din di ko naintindihan e :p

ayz, story, thoughts

Previous post Next post
Up