wednesday morning.. 7-10 am; seatwork in design of metal structure. sakit sa ulo ang haba kasi ng solution procedure before we can come up with an answer to think na isang design problem lang yun.basta ang sakit sa ulo. faust came by our classroom. kaso ndi ko sya nakausap dahil nga hindi pa ako tapos magsagot ng seatwork. he told me na punta muna sya ng library for a seminar (nyay yan yung pagkakaintindi ko sa sinabi nya) pero hindi na rin ako nakadaan ng library. we had our early lunch kasi pupunta pa kami ng U.P Diliman to do some research regarding our thesis proposal.
early lunch at Faustina's (arki's most loved kainan!) at around 11am. shempre order ako ng favorite kong grilled porkchop! yummy! the best talaga yung grilled porkchop nila! after 30 minutes, we started walking papunta ng cityhall since doon yung sakayan ng philcoa. on our way to cityhall, nadaanan namin yung ngtitinda ng mane. so bili mo pero i saw a yema at ngcrave ako bigla so yun na lang binili ko imbes na mani hehehehe..
hay.. tagal ng biyahe mula manila papunta ng quezon city but we enjoyed every minute of it. ang kukulet kasi nung mga classmates ko (pher, bgirl, joy, alvin, denver & jayson). they were acting as a disabled person to double the discount in jeepney fare. sympre student tapos disabled pa. pinagtatalunan nga namin if "putol daliri" can ba considered a disablity? yung mga may medical background dyan paki-sagot naman hehehe.. finally, UP campus! ang ganda ng college of architecture nila (ay maganda pala yung buong campus, malamig ang hangin at maraming puno). it was our first time to enter the college. nung huli ata akong nakatuntong ng UP eh nung ng entrance exam pa ako eh hehehe kaya promdi mode kami knina. manghang mangha sa UP campus hahaha...
research sa library. very strict sila sa policy. hindi nakapasok yung isa naming classmate kasi wala syang dalang referral letter from our library kaya yun nsa labas lang sya ng library, pinagmamasdan si manong guard at sumasagap ng tsismis hehehe.. after ng research namin, we went to DENR. grabe ang layo ng nilakad namin. wala rin naman kaming napala.
uwian na! akala ng mga classmates ko uuwi na ako pero don sila nagkamali! nagpunta ako ng UE Caloocan to watch HALE! wow! after some time nakanood ulit ako. last time ko kasi silang napanood ng live eh nung fete pa (june 18,2005). i was with cristine. buti na lang may spare syang ticket kaya yun nakanood ako. kaming dalawa lang mgkasama. hindi pa kami magkakilala personally non. ngkakachat lang kami sa irc. but we got along well naman nung nagkita kami. kuwentuhan muna habang nasa pila. siksikan na so nakisiksik na rin kami until we reached the gate at nakapasok ng campus. nakapwesto kami sa bandang harap. dedma sa mga nasa likod namin na talagang nauna sa amin hehehe.. kahit sumigaw pa sila ng "singit, singit" ay wa kmi care hehehe..
HALE na!!! well, nagkagulo na ang mga tao! nasiksik na talaga kami ng sobra pero ok lang kc nakarating lalo kami sa harap hehehe.. ay daming bouncers sa harap at ang LALAKI ng KATAWAN!!!! their first song was take no. followed by broken sonnet and then blue sky. akala nga namin the day na yung next song kasi sunod sunod sa album ung 1st 3 songs na kinanta nila. then c roll na yung kumakanta, sympre here tonight. galing! next song nila nawala na talaga control ko sa sarili ko. they sang fix you by coldplay! astig talaga! next song was the day you said goodnight. ang lakas ng sigaw ng audience. ang lakas din ng kanta! then last song na nila. nakakatuwa kc nag-intro sila ng hallelujah then ung line sa song na "anong balita" then sabay pasok ng intro ng kahit pa. the crowd went wild na talaga! badtrip lang kasi may nambato kay champ! sumpa ko kung sino man yun magtatae buong buhay nya!!! so yun na yung mga kinanta nila. may gig pa ata sila after nung sa UE.
SUGARFREE!!! finally, i saw them perform live! 1st time ko! ang kulit magperform ni ebe and i can say, ang galing nya mg-adlib. he handled the crowd so well. lahat nagtatalunan at lahat kumakanta. in my opinion lang, mas magaling yung performance nila kesa sa hale (uy wag magagalit mga halers). basta naging crush ko si ebe dahil sa gig na ito hehehe.. kinata nila yung mariposa, burn out, hari ng sablay at sympre kwarto (my favorite). may iba pa silang kinanta pero hindi ko alam yung title. ay yung prom pla kinanta nila. i just can't remember kung yun yung song na ginamitan nila ng song na king and queen of hearts! oha oha hehehe.. astig yun!
after sugarfree's performance eh umalis na rin kami ni cristine. nagtext na kasi sa akin yung partner ko sa thesis na tawagan ko sya eh hindi ako nagsbi sa kanya na manonood ako ng gig. kapag nalaman nya patay ako at baka sabihin na inuna ko pa ang gig kesa sa thesis namin hahahaha.. ang bad ko talaga! papalampasin ko ba eh ito nga yung hinihintay ko, yung magka-gig sa malapit lang sa amin! umalis na rin kami kasi hard core na yung next band which is parokya ni edgar. gusto ko rin sana mapanood kasi hindi ko pa sila nakikita live pero ayaw na namin makipagsapalaran. aba ang sakit na nga ng katawan ko dahil sa kakabunggo nung mga nsa likod ko eh pano na lang kapag parokya na eh medyo wild ang performance non! nyay!!!
maaga rin ako nakauwi. 10:30 pm lang ata nasa bahay na ako. hindi nga ako nagpaalam sa bahay na manonood ako. nagtext lang sa kapatid ko hehehe.. buti na lang wala pa sila tatay paguwi ko yehey!! pero kung itatanong naman nila eh sasabihin ko (naks gud gel!) hayyy! yun lang hindi ako nakapanood ng pinoy big brother. ano kaya ang nangyari kay chx at sam? i asked she
mysummerstars, kasi pero hindi nya ata naabutan yung part na yun. pagdating ko bahay, kumain then nood onti tapos nakatulog ako sa sofa hahaha.. mga 2am nagising ako para mag-online. ayun hanggang ngayon na mag-6am na eh gising at online pa rin ako! adek talaga.
ay sa wakas naayos ko na rin layout ng lj ko. buti na lang may makuha akong layout na may tutorial kaya yan kahit paano eh matino na sya compared sa mga layout ko before hehehe.. nyay gusto ko tuloy ng rhumba ng starbucks!!
kapagod magtype!