ang mga pumasok sa isip ko pag 24 oras nang walang tulog

Mar 11, 2008 12:45

...Dreams get you through the hard times... AGNES, Running With Scissors

mas gusto kong sabihin - dreams give you the hard times.  sabi ni Cathy, nung kumuha ako ng DAP psych test ay optimistic ako...hahaha, saan nga ba nakukuha ang optimism?

Happiness is whatever you want it to be...

narinig ko 'yang song na 'yan nung bata ako...at nung time na yun pinaniwalaan ko 'yan ng husto.  hmmm...ngayon pa rin naman.  pero hindi parati.  happiness is whatever.  period na pagkatapos.

hahahaha....umeemote na naman ako.  hindi naman maulan.

* * *

sana mapanood mo yung "Love Me if You Dare..."   naalala mo ba yung time na tinignan mo 'ko sa mata at sinabi mong, "di ko alam kung anong gagawin ko sa'yo..."  eto. may naisip ako.  yung last part ng pelikulang ito...ayun, p're.  hindi nakakatawang matabunan ng semento at mabaon dun...pero kung kasama ka...ayus lang... weird ba? - pero may mas tamang term dun....lam mo kung ano?  forever.

woohhooo....'steg.

* * *

....sabihin mo lang... hindi ako magdadalawang-isip.

* * *

natatakot ako dahil nararamdaman ko na siya sa malapit... parang multo.  parang panaginip....lahat ng elemento ng mga bagay na hindi totoo...

at dahil sa multong ito....ay parehas nating katatakutan ang pagpatak ng alas dose.
...baket walang paraan para pigilan ang oras?
sino bang umimbento ng baterya ng alarm clock?  pwedeng patayin na natin siya?

wag mo 'kong yayakapin ng mahigpit - baka isipin kong iyon na ang huli.

huli. huli?  deym.

* * *

gusto kong maging kaibigan ka hanggat kahit hindi na uso ang konseptong iyon.
peksman. hope to die. cross my heart. no period. no erase. may lock pa.

* * *

sabi ko ayoko sa trabahong 'to...pero dahil sa tinuro sa'kin ni tl ice at mommy ghe -  hehehe, eto ako ngayon...malapit na anniv ko. isa lang sukli sa "f***ng hard work" sabi nila - isang malupet na quarterly bonus at promotion. ay...dalawa pala yun....hmmm....i can smell it - wala. chos lang!

* * *

sa ngayon kinikilig ako... bukas hindi ko alam. depende...
Previous post Next post
Up