(no subject)

Jun 02, 2008 17:29



nakakalungkot isipin.

masaya ang pinagdaanan ng grupo kahit may oras ding tampuhan at nde kanais-nais na sitwasyon. lahat ng ito ang samahan namin umabot ng three years.

aabot kami sa point na kailangan na naming magpahinga, maaring pansamantala pero may katagalan o forever na. ayaw naming bigyan ng pressure ang isa't isa dahil may kanya-kanya din kaming buhay.

ngayon sa darating na Toycon, ang pinakahuling performance namin bilang isang banda bago kami mawala sa eksena. nakakatawa lang at ang kasabayan namin at pinaka-close naming katropa, ang PPF All-stars, ay mawawala/nawala na rin at nde ko alam kung anong meron sa future nila.

itong post na ito ay isang informal and semi-official announcement na ang Armada po ay mawawala (na) sa sirkulasyon. kaya on behalf of the band, kasama na rin ang mga naging sessionists, salamat po sa pakikinig sa amin at sa suporta ng aming mga pamilya, kamag-anak at kaibigan. ^^

ngayon, kami ni xtraryce ay may plano para sa bagong banda na ipapalit namin sa Armada, posibleng galing sa La Salle ang ibang members o ibang galing sa Ongaku Society. this time mas medyo seryoso ang aming genre at medyo mag-strict kami sa sarili namin.

pero sa tingin ko nde naman maiiwasan ang kakengkoyan namin --- dala sa legacy kumbaga ng iniwang Armada.

wish us luck na lang. ^^
Previous post Next post
Up