Oct 20, 2008 09:42
Nung sabado ng gabi, dumalaw kami kina Dr. Greg at Gina Pastorfide para bumisita, at balitaan sila ng mga magaganap para sa ika 75 anibersaryo ng Mu. Maraming kwento at tawanan lalo na kasama namin si Dr. Pipo Bundoc na talagang masigasig sa pagpapakita lalo na ng kanyang "baby": yung coffetable book. Dun na din kami kumain ng hapunan. Ang sarap ng pagkain at service- buffet at sabi nga ni Button "ngayon lang ako nakakita ng butler sa pilipinas, dalawa pa!". Bilang matakaw kami ni Hannie bebe, tuwang tuwa kami sa "make your own crepe corner" na may unlimited whipped cream. nyahaha. pero syempre mas masaya ang kwentuhan at magchismisan habang kumakain.
Yun nga lang, medyo nalungkot ako sa ibang kwento ni Pipo. May kinukwento kasi siya na mga bagong graduate na nagapply sa X department for residency. Ito, medyo showbiz pa. Dati kasing nasa relationship yung dalawang nagaagawan sa pwesto. Pero bad break up ata. kaya nung yung lalaki na yung iniinterview, tinanong siya nung usual question na "sell yourself to us, why should we pick you over dr. y or dr. z or..dr. EX." Bigla ba naman daw sumagot ng "Because I'm better than her!" hahaha. I can smell bitterness! Nahirapan tuloy yung committee mamili kasi iniisip nila, medyo risky ang tanggapin silang dalawa. Ok daw sana kung magkakabalikan sila, why not. Pero puwede din na mag-away lang sila all over again. Sabi ko sa inyo, showbiz diba.
Tapos may isa naman na may dala daw na Rubik's cube sa interview. Sabi nung Dra na magiinterview
"ano yan, props?"
"hindi po, it's a way lang po to ease my tension"
"how fast can you usually finish that?"
"Ma'am, one minute ma'am"
Kinuha daw nung consultant yung Rubik's cube, ginulo tapos nilagay ulit sa harap nung applicant.
"you have one minute to finish that. Your residency depends on it."
hindi makamayaw yung applicant kakabalik nung Rubik's cube. Nakatingin sa relo niya yung consultant. One minute, one last twist. then he put the Rubik's cube on top of the table. sabi nung consultant,
"impressive. still, not one minute."
lumampas kasi ng 3 seconds. hahaha. lupet naman! pero malamang hindi lang yun ang basis niya for accepting or rejecting the applicant.
Nakakatuwa pa yung mga kwento na yun eh, until dumating sila sa usapan ng pagtanggap ng Anak ng Diyos. Meaning, yung mga anak ng consultant sa PGH.
Yung derma, 5 slots lang a year sabi ni Dr. Gina. Maximum na talaga yung anim. Pero last year, they accepted 7. Kasi 7 ang nagapply na mga Anak ng Diyos. Hindi ko matandaan ilang ngayon. Ang alam ko lang 50+ ang nagapply. at yearly ganun ang bilang ng applicants.
Kahit sa X department, at Y department, mas may advantage talaga matanggap yung mga anak ng diyos. Kaya malas ka kung ordinaryong med student ka lang at ang kasabay mong magapply sa department na yun eh mga immortal na bumaba sa lupa. Gusto kong sumigaw ng UNFAIR! nalaman ko din na may mga consultants din naman na nagpprotesta at nakikita yun na pagiging unfair pero may mga nagrreason out na mas ok nga kung anak ng diyos kasi kilala na daw nila, bata pa lang nakakasama na sa mga outing, mas alam kung pano pinalaki kaya mas alam ang ugali. Hindi ko alam kung anong mararamdaman. Unang reaction ko talaga eh unfair. pero di ko rin naman masisi yung PGH kung ginawa nilang incentive yun para manatili yung ibang doktor sa pagtuturo sa kolehiyo at paglilingkod sa ospital. O baka naisip ko na lang din na hindi ko naman alam ang buong picture kaya hindi muna ako manghuhusga. Sa ngayon. At naniniwala ako na hindi lang naman yun ang basehan. Sana. Kasi kaya ako nagmed, kahit puwede namana ko mag Law, eh mahina talaga ako sa pamumulitika. at hindi ako madaling pumayag na hayaan na lang kung ano ang namulatan kong status quo, kasi kapag feeling ko walang justice, lumalaban talaga ako. o kaya nagrrebelde.
Kaya naman magtatanong-tanong pa ako tungkol dito.