drama drama drama

Aug 27, 2007 11:01


is this what metabolism can do to your emotions?

wah...umiiyak ako. dahil sa nanay ko. dahil nagdrama siya. dahil hindi naman kami ganito. kaya naawa ako. dahil sumama lang siya sa paghatid sa pinsan ko sa condo para makita kami dapat ng kapatid ko. dahil masaya na siya na nakita ako for 30 seconds. dahil nalungkot siya dahil hindi niya nakita si Chacha. Dahil nagkasalisi sila. kaya nagalit pa si chacha. kaya lalo siyang nalungkot.

dahil din pala hindi ako umuwi. dahil sa biochem exam. dahil hindi ako makaaral sa bahay. dahil walang study table at study lamp. dahil masyado niya kaming inaalagaan pag nasa bahay kami feeling ko lang mag-relax. dahil maraming dvd at magandang palabas sa cable. dahil maraming tao, mas masayang makipagkwentuhan. dahil mas malaki ang kama ko dun at mas comfortable.

kaya after ng mentoring sa wednesday mag-uuwian ako. at nagbabalak wag pumunta sa make-up dissection para makasama naman pamilya ko. dahil aalis na rin yung isa kong kapatid papuntang Japan, nagapply na Anime. Japan Japan sagot sa kahirapan. dahil isang taon siya dun bilang Anime. dahil malulungkot ulit magulang ko dahil hindi sila sanay na malayo kami. ni hindi nga sila pumapayag na mag-overnight kami sa kapit-bahay. haha. dahil baka huling weekend na yun na magkakasama kaming lima na buo tapos one year na ulit mauulit. kahit ayaw ko madalas sa kapatid ko na yun.

bahala na. pamilya naman sana muna bago med. sana maintindihan ako ng mga kagroupmates ko. pero baka hindi ko rin kaya umabsent. puwedeng uwian na lang din. dala na lang ako kotse para hindi mahirap magcommute. kaso mahirap parking dito.

ang labo ng entry na to. drama kasi eh.

Previous post Next post
Up