Ang google translate

Jan 30, 2009 09:36

Buryong buryo na ako sa mga taong umaabuso sa google translate (or babel fish or any other translating engine sa internet).

Grabe feeling nila ang cocool ata ng tatalino nila dahil nakakapagsalita sila sa ibang wika.

Idagdag mo pa yung mga super emotero na kung magblog or magpost ng bulletin ginoogle translate.

Nung una isang tao lang gumagawa kaya keber lang.

Pero lately sobrang dami nang mga pseudo-intellectuals and pseudo-intellectuals na emo, at mga pa-emo ang nagpopost ng galing sa google translate.

Mahilig pa sila sa misleading titles.

Hay nako...

gimme a break !

Previous post Next post
Up