Oct 21, 2008 06:45
Infamous ako and I know it. At alam kong napapansin ninyong lahat na marami akong disgusting habits at isa na dun ang pagaayos ng underwear ko. Alam kong trying hard akong gawin siya in a discreet manner pero hindi ko talaga mapigilan dahil talagang uncomfortable ang 75% ng underwear ko before.
Ang waistline ko ay nagvavary from 26-28 (28 pag nasa maynila, 27 pag nasa baguio, 26 pag hell week). Kaya syempre ang binibili kong undies ay small which is supposed to be angkop sa akin. Pero usually ang case ay masyadong mataas ang crotch at hindi magkasiya ang puwitan ko sa underwear ko. Dagdag mo pa yung iba kong briefs na kung makayakap sa ibabang parte ng aking katawan ay parang gusto nitong bumakat sa aking waist at hita. Hindi siya komportable lalong lalo na pag gumagawa ako ng school work or naglalakad ako kung saan saan.
Kanina bumili ako ng undies at sinubukan kong bumili ng medium (pang wasit 30-31). Ayun! Yun lang pala ang solusyon sa underwear problems ko:
-Bumili ng 1 size bigger. Ang worry ko na malalaglag siya ay hindi dapat iniisip. After all nakaGARTER naman siya eh duh !! Ang stupid ko talaga D:
-Always buy the classic plain brief. Kasi pag hipster or lowrise or whatever, minsan masyadong masikip ang crocth or hindi kasiya yung puwet or masyadong nakadikit ang garter sa singit o hita ko. Thus hindi siya comfortable para sa akin.
Kasi naman kung bumili ako ng undies kuha lang ng kuha basta ok yung presyo at small siya eh. BLEARGGH!!
Ayan ha, probably di niyo na ako makikitang nagaadjust ng aking salwal. ok ?