(no subject)

May 25, 2005 02:01

para kay yeon dahil gusto mo ng ulan
at para sa lahat ng naaapektuhan pag umuulan

tuwing umuulan at kapiling ka ::: eraserheads

Pagmasdan ang ulan,
Unti-unting pumapatak sa mga halama't mga bulaklak
Pagmasdan ang dilim,
Unti-unting bumabalot sa buong paligid t'wing umuulan

Kasabay ng ulan bumubuhos ang 'yong ganda,
Kasabay rin ng hanging kumakanta
Maari bang huwag ka na
Sa piling ko'y lumisan pa hanggang ang hangi't ula'y tumila na

Buhos na ulan, aking mundo'y lunuring tuluyan
Tulad ng pag-agos mo,
'Di mapipigil ang puso kong nagliliyab
Pag-ibig ko'y umaapaw,
Damdamin ko'y humihiyaw sa tuwa
Tuwing umuulan at kapiling ka

Pagmasdan ang ulan,
Unti-unting tumitila
Ikaw ri'y magpapaalam na
Maari bang minsan pa, mahagkan ka't maiduyan pa
Sakbibi ka't ulan lamang ang saksi

Minsan pa ulan bumuhos ka't h'wag nang tumigil pa
Hatid mo ma'y bagyo, dalangin ito ng puso kong sumasamo
Pag-ibig ko'y umaapaw,
Damdamin ko'y humihiyaw sa tuwa
Tuwing umuulan at kapiling ka
(Oooohhh)

(Instrumental)

Maari bang minsan pa, mahagkan ka't maiduyan pa
Sakbibi ka't ulan lamang ang saksi

Buhos na ulan, aking mundo'y lunuring tuluyan
Tulad ng pag-agos mo,
'Di mapipigil ang puso kong nagliliyab
Pag-ibig ko'y umaapaw,
Damdamin ko'y humihiyaw sa tuwa
Tuwing umuulan at kapiling ka

Minsan pa ulan bumuhos ka't h'wag nang tumigil pa
Hatid mo ma'y bagyo, dalangin ito ng puso kong sumasamo
Pag-ibig ko'y umaapaw,
Damdamin ko'y humihiyaw sa tuwa
Tuwing umuulan at kapiling ka
patapos na ang araw, padating ang ulan, kanta na 'to!

umaaraw, umuulan ::: rivermaya
Hindi mo maintindihan
Kung ba’t ikaw ang napapagtripan
Ng halik ng kamalasan
Ginapang mong marahan ang hagdanan
Para lamang makidlatan
Sa kaitaas-taasan, ngunit

Kaibigan
Huwag kang magpapasindak

Kaibigan,
Easy lang sa iyak

Dahil wala ring mangyayari
Tayo’y walang mapapala
Wag mong pigilan ang pagbuhos ng ulan

May panahon para maging hari
May panahon para madapa
Dahil ang buhay natin ay sadyang ganyan

Umaaraw, umuulan
Umaaraw, umuulan
Ang buhay ay sadyang ganyan

Umaaraw, umuulan

Wag kang maawa sa iyong sarili
Isipin na wala ka nang silbi
San’ dambuhalang kalokohan

Bukas sisikat ding muli ang araw
Ngunit para lang sa may tiyagang
Maghintay............

Kaibigan,
Wag kang magpapatalo
Kaibigan,
Itaas ang noo
Previous post Next post
Up