Naiinis ako.
Dapat nasa Maynila na ako ngayon, pero sabi ni Joseph mag-stay pa raw ako hanggang Friday para magkita kami. Friday na ngayon, hindi pa rin kami nagkikita. Ngayon panay tuloy ang tanong sa akin ng Papa ko kung bakit nagbago isip ko at umayaw ako sa pag-uwi sana namin. Ang labo-labo ko raw kausap.
Naglakad-lakad na lang ako kanina sa Session Road at nag-dinner mag-isa. Akala ko magkikita kami ni Seph kaya lang biglang hindi ko na naman siya ma-contact. =_= Hay.
Puwede naman sana ako magpunta sa hotel na tinutuluyan nila... nasa akin naman yung address. Kaya lang... siyempre naman may pride din naman ako. Sabi niya hahanapin niya ako, so bakit ako ang pupunta sa kanya?
Pag di pa siya nagpakita bukas, uuwi na ako.
Hay Lovely... sige lang. Ayan ka na naman eh.