Ang ganda ng icon ko. *turo* Yan ang Christmas gift sa akin ni Lord. ♥
...
Medyo uneventful ang bisperas para sa akin, pero ayos lang naman. Thankful pa rin ako kasi magkakasama kaming family - si Mama, Papa at Q - na nagcelebrate sa bahay namin sa Marikina. (Hindi ko lang ma-gets kung bakit hindi kami puwedeng mag-ingay masyado... eh gusto ko pa namang mag-Dance Revo sana kagabi.)
Anyway, yun. After namin mag-gift-giving, natulog na rin ako agad kasi maaga ang biyahe namin papuntang Baguio (province namin). Actually, andito na kami... SUPER GINAW! @_@ As in parang winter ang drama ng buhay ko... (as if namang nakapag-winter na ako sa ibang bansa eh) kaya balot na balot ako ngayon dito.
Siyempre kailangan kong
magpapicture... :P O diba... wala akong ear muffs kaya gamit ko yung ancient na headphones ng pinsan ko. Hahahaha. ^^ Haay, anlamig talaga. Sarap ng may kayakap... sana. ♥
...
Nakita ko na ang pamangkin kong (sa pinsan, ok?) si Reesa! FINALLY! Last year pa siya pinanganak pero ngayon ko lang talaga siya nakita in person kasi hindi kami nakauwi ng Baguio noon. Ang cute-cute niya, parang angel! ^^
Ito siya o... pinakunan namin ng studio pic kanina kasi mukhang model na siya agad kahit baby pa:
Diba ang bongga niya na agad? ^^ Ang sarap pa niya alagaan kasi sumasama na siya sa akin agad kahit 1st time niya lang ako makita. Pala-ngiti siya tsaka hindi iyakin. At higit sa lahat, pag nakakarinig siya ng tugtog, sumasayaw siya agad! ^^
So ngayon, ako muna ang babysitter-slash-tita niya kasi medyo boring dito sa Baguio (lahat ng lugar napuntahan ko na noon pa at wala akong balak mag-mall), at kailangan ko ng diversion para hindi ako malungkot.
Hehe, ayun lang, pinagmalaki ko lang ang bochok kong pamangkin! ♥
...
Maligayang Pasko nga pala uli sa lahat! Sana naging mapayapa ang Pasko niyo!
...
Seph,
Ano'ng gusto mong pasalubong galing Baguio? Wag Igorota ah. :P
Miss kita. Love you.