Ano ba 'tong nangyayari sa katawan ko? Nung Monday lang akala ko okay na ako... tapos kahapon parang nabinat ata ako.
Tapos ngayon mukhang okay na uli. =_=
...
So si sikret kras, di na sikret ngayon. :P
Abangan ang mga susunod na kabanata.
Hindi ko rin alam kung saan tutungo ito eh. Basta, bahala na. Ang mahalaga... gumigising ako ngayon nang nakangiti. ^^
...
Malapit na ang go-see ko! Hindi ko pa alam kung ano'ng isusuot ko. Sabi ni Christian, magbestida raw ako... yung medyo maikli para kita legs nang konti. Yung pupuntahan ko raw na go-see naghahanap ng model ng beauty products, kaya dapat pakita ko na makinis ako.
Kaya lang, hindi naman ako sanay magbestida, although meron naman ako ritong naitatago for special occasions (kasi mamahalin 'to kaya hindi ko basta-basta sinusuot kung saan! :P).
Tulungan niyo naman akong mamili oh. ^^
(Siyempre hindi ako yang mga model na yan pero diyan sa catalogue ko binili yung mga damit, so more or less ganyan itsura nila. :P) Sa tingin niyo? Anong magandang isuot sa unang go-see? ^^
EDIT-
May mga bumoto na!
0 votes 1 vote 2 votes 2 votes